Habang wala ang dalawa niyang bagong mga kaibigan, patuloy pa rin niyang sinusundan ng tanaw si aaron na busy pa rin hanggang ngayon,
kakaikot at kaka entertain sa mga customers sa bar na iyon.Napansin na ni grace ang sinusundan ng tanaw ng kanyang kaibigan.
Napangiti siya, isang guapong nilalang lang naman ang tinitignan ng napaka cute niyang kaibigan.
Sa isip, weeeeee may crush si aaliyah! Aha' lagot ka sakin na babae ka. 😮
Hoy!", sabay kalabit sa dalaga
Graciee naman eh, bat ka ba nanggugulat? reklamo ng dalaga kasi nataponan siya ng konting beer sa mukha habang iniinom ito.
Ayan kasi ang layo ng tanaw mo eh, baka mabali na liig mo dyan.!", sino ba kasing guapo yang tinitignan mo hah???
Ano ka ba!" wala naman ako tinitignan.. kaila ng dalaga sa kaibigan
Sino siya?' kilala mo?, halos mabali na nga yang liig mo kakasunod sa galaw nong lalaki tapos ikakaila mo pa.😆
Si boss namin yan.. parang wala lang sa kanya na sabi ni aaliyah
Hayssss.... buti nlang medyo madilim dito sa table namin, kasi alam ko pulang pula na ako. Ikaw ba naman mabuking na tinignan ang isang lalaki.
Siyanga pala grace, pakibayaran yong lahat ng gastos natin dito sabihin mo nlang libre mo. sabay abot ng pera
Ayaw muna magkwento ni aaliyah kaya inilihis nya ang topic about sa kanyang boss.
Aaliyah POV:
Patay nabuking ata ako ni grace.. nakakahiya!', bakit naman kasi di ko mapigilan na titigan si aaron" ang cute kasi nya....
Feeling ko rin nagseselos na ako sa mga babaeng pasimple kung kumapit sa braso Nakakainis!!' samantalang ako di man lang matignan.hmf!
Kaladkarin ko kaya yong mga babaeng yon o kaya ipa ban lahat ng mga malalanding babae dito sa bar.
Nah di pwede baka di na ako papasukin sa susunod...
Waaaaaaaaa... ano ba nangyayari sakin! nainis na ako!!!"Napainom tuloy ako ng marami ngayon. ", dapat na siguro ako umuwi.
Pabalik na si allan sa inuupuan nila anne ng mapansin nya si aaron.
Hi sir aaron!" bati nya dito.
Ngumiti lang si aaron sa kanya, di na kasi ito nagtataka dahil lagi naman sila ni joanne sa bar na yon. Kung saan nagpa part time job sya.
Kakaupo lang ni allan ng kasunod naman na umupo si joanne.
Agad napansin ng dalawa na panay na ang lagok ni anne sa beer nya.
Akala nila di umiinom ang babae dahil masyado itong mahinhin.
Kumbaga kahit cashier lamang ito sa jollibee, mapapansin mong pino ito kung kumilos at aakalain mo anak mayaman.Kaya malaki talaga ipinagtaka nila noong una kung bakit ito nagtratrabaho doon.
Mukha pa ngang walang ka alam alam sa trabaho.Sabay napatingin ang tatlo ng magsalita bigla si grace at sabihin na mauuna na ito, dahil may emergency daw ito at kailangang kailangan niyang umalis.'
Sinabihan naman sila nito na bayad na ang lahat at makikisuyo nalang na ihatid si Anne sa bahay nito dahil mukhang naparami na ang nainom.
Agad pumayag ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Bibilhin Kita, Magkano Ka Ba? ( Completed )
RomanceThis story is fictional! Not suitable for minors.. Aaliyah a beautiful rich girl who comes from a Multi billionaire family. She is half taiwanese, half filipino Typical spoiled pero hindi brat ☺ Pero nagbago ang lahat-lahat sa kanya. Aaron isang s...