Yaya" pag dumating yong dalawang unggoy dito paki sabi nalang po na pupunta ako sa mall. sabi ni aaliyah
Eh bakit hindi mo nalang antayin yong dalawang gwapong unggoy? tanong naman ni yaya chadeng na tumatawa
Haha gwapong unggoy talaga ya?!
Aba simpre!" pagka gwapo-gwapo kaya ng dalawang yon!" Oh eh kung bata at dalaga pa sana ako ngayon..naku isa na rin ako sa hahabol sa kanila. mahabang sabi ni yaya
Iling-iling na lumabas ng apartment si aaliyah.
Totoo naman kasi ang sinabi ng kanyang taga pag alaga.Di ba nga't isa siya sa naghahabol kay cheng dati.. noon yon ha hindi na ngayon.
Yong pinsan naman ay hindi nagpapahuli.. sa bait nito, wala itong pinapaglagpas na babae.
Sumakay si aaliyah sa sasakyan ng pinsan, iniwan kasi nito ang sariling sasakyan para may magamit siya anytime.
Na miss niya ang magmaneho, na miss niya ang sariling sports car. Na miss niya ang mga magulang.
Palakad-lakad lang si aaliyah sa loob ng mall, wala naman siya planong bumili ng kahit ano. Naisipan lang naman niyang lumabas ng apartment dahil nababagot siya.
Papasok na sana siya sa isang botique ng may tumawag sa kanya. Paglingon niya, isang nakangiting mukha ni jake ang bumungad sa kanya. Napangiti rin ang dalaga sa lalaki.
Dinala siya ng binata sa pizza hut, buti nalang hindi bumaliktad ang kanyang sikmura. Nag eenjoy siya sa company ng lalaki, halos di na nga niya maisara ang bunganga sa kakatawa.
Habang nag uusap, nakuha ng kanyang attention ang magkapareha na papasok sa loob ng pizza hut.
Hindi malaman ng dalaga ang naramdaman pero sigurado siya na iiyak na siya ano mang oras.Napansin naman agad ni jake ang tinitignan ng dalagang kasama. Kinuha niya ang atensyon ni aaliyah ng makita na niyang halos maiiyak na ito.
Hey!" sabay hawak sa kamay ni aaliyah
Napatingin si aaliyah sa kausap na lakaki.. di maitago ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
I'm sorry!" Di ko alam bakit bigla nalang akong parang maiiyak. sabi ng dalaga
It's okay to cry, but not here baka akalain ng ibang customers inaaway kita. biro ng lalaki
Tinignan uli ng dalaga si aaron at ang babaeng kasama nito. Nakahawak pa sa braso ng binata ang babae.
Saka ang binata naman ay may ibinubulong saka napahagikhik ang babae.Di na nakayanan ni aaliyah ang nakikita, tumayo siya bigla at di nakita ang waiter na papadaan sana sa kanilang table, may dala itong isang pitsel na pepsi.
Nasagi ni aaliyah ang lalaking waiter, lumikha ng ingay ang pagkabasag ng pitsel at tumalsik ang laman nito. Nabasa ang ibang customer sa kabilang table.
Nagalit ang babae na isa sa mga na basa. Tumayo ito at dinuro si aaliyah na ngayon ay di makakilos dahil sa nangyari.
Nahihiya siya kasalanan kasi niya.Galit na galit na pinagduduro siya ng babae na akala mo kung ano na ang nangyari dito. Nabasa lang naman ng kaunti ang suot nito na damit aw pati pala ang buhok nito.
Humingi siya ng pasensya sa nangyari pero hindi nakikinig ang babaeng kausap. Nagtatalak pa rin ito sa kanya.
Sumiklab ang poot at galit ni aaliyah, sa babae niya ilalabas ang kanina lamang pinipigilan niyang galit.
Sinampal niya ng pagkalakas lakas ang babae. Natigilan ito sa kanyang ginawa at tumingin sa kanya na galit na galit.
You deserve that!"... you son of a bitch!" sabay turo niya sa babae.
Binuksan niya ang kanyang purse at inilibas ang nakabugkos na pera at isa sa kanyang business card. Sabay hagis sa babae!.If that money is not enough.. you know where to find me! And if you think you deserve to sue my actions towards you.
Go ahead bitch!.. and better think it twice because you don't know who i am.
sabay labas niya sa pizza hutNagmamadali namang sumunod si jake na di nakakilos sa ginawa ng dalagang kasama. Malalaki ang kanyang ngiti ng maabutan ang babae.
Wow! just wow!.. i can't believe you can do that... tumatawa ng sabi ni jake sa kanya.
Napaiyak ang dalaga, ngayon niya naisip ang ginawa.
Hindi siya ganoon pinalaki ng mga magulang, at kailan man hindi niya ipinagmamalaki ang kanyang kayamanan.Nag alala si jake sa ginawa ng dalagang pag-iyak kaya yayakapin na sana niya ito ng biglang may tumabig sa kanyang mga kamay.
Nakita niya ang lalaking tinitignan ni aaliyah kanina. Madilim ang mukha nito at handang manuntok kung kinakailangan.
Parang sinasabi rin ng mga mata nito na.. back off or else..Hindi na nagpaalam si jake sa dalaga, basta na lamang siya umalis ng masiguro na ang lalaking lumapit na ang bahala sa dalagang umiiyak pa rin. Di nga napansin nito na iba na pala ang kasama nitong humahawak sa kanya.
Iginiya ni aaron ang dalaga palabas ng mall.
Isinakay niya si aaliyah sa taxi na naka parking lamang sa labas ng mall.Si aaliyah naman ay sunod sunuran lang sa mga pangyayari. Di niya alintana na ibang lalaki na pala ang kanyang kasama.
Akala pa rin niya ay si jake ang lalaking nagpasakay sa kanya sa taxi.
Sasabihin na sana niya sa lalaki na may dala siyang sasakyan ng bigla na lamang umikot ang kanyang paningin hanggang sa mawalan siya na malay.Agad naman nasalo ni aaron ang dalaga ng mawalan ito ng malay.
Tinitigan niya ang dalaga, may mga luha pa ang mga nito..kaya tinuyo niya ito gamit ang hintuturo.Nakita naman ng driver na nawalan ng malay ang kanyang babae na pasahero. Nag alala ang driver kung napaano ito kaya nagtanong na.
Sinabi ni aaron na pagod lamang ito, hindi agad naniniwala ang driver. Pero sinabi niyang asawa niya si aaliyah at buntis ito kaya nawalan ng malay.
Nilingon talaga ng driver ang tiyan ng dalaga para masiguro na nagsasabi ng totoo ang lalaki.Ngumuti na lamang ang driver ng makita na maumbok na nga ang tiyan ni aaliyah..
Dinala ni aaron ang dalaga sa kanyang apartment. Gusto niya itong makausap kaya instead sa apartment ng babae niya ito ihatid umuwi siya na kasama ito.
Buhat buhat niya ito ng pumasok sa apartment, naabutan pa niya ang kapatid na paalis na sana. Lumaki ang mata nito ng makita siya na buhat si aaliyah. Sinabi na lamang niyang nawalan ito ng malay kanina. Pinaalis niya ang kapatid, ayaw niya may disturbo mamaya kung magising na ang dalaga.
Ipinasok niya ito sa kanyang kwarto at ipinahiga sa kama. Saka naman siya umupo at tinitigan ito. Mapait ang kanyang naging ngiti. Hindi niya alam kung para saan.
Mas lalo pa gumanda ang dalaga na nagbuntis ito. Titig na titig lamang siya dito. Hindi na nga niya alam kung ilang oras na siya nakatingin dito ng bigla na lamang itong kumilos at tumagilid patalikod sa kanya. Tulog pa rin ang dalaga, kaya ipinasya niyang lumabas na muna ng kwarto at maghanda para pumasok mamaya sa trabaho.
( Nauwi po sa pagtulog ang nawalan ng malay... haha )
BINABASA MO ANG
Bibilhin Kita, Magkano Ka Ba? ( Completed )
RomanceThis story is fictional! Not suitable for minors.. Aaliyah a beautiful rich girl who comes from a Multi billionaire family. She is half taiwanese, half filipino Typical spoiled pero hindi brat ☺ Pero nagbago ang lahat-lahat sa kanya. Aaron isang s...