Chapter 1: What's Your Charm?
Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Grandma buong byahe. Sobra na akong bored. Ilang oras na ba kaming nasa daan? Hindi ba talaga kami naliligaw? Puro puno nalang kasi ang nakikita ko kanina pa. Don't tell me na sa gitna ng gubat ang school na papasukan ko?
"Grandma, sure ba kayo sa dinadaanan natin?" tanong ko for the nth time.
"Ariela apo, malapit na tayo. Hwag kang masyadong mainip," nakangiting sagot niya mula sa rearview mirror.
"That's what you said an hour ago."
"Apo trusts me, dati akong nagtuturo dito. I know the place like the back of my hand."
"But that's thirteen years ago."
"Twelve years, apo. I'm only 62," pagtatama niya.
I heaved a dramatic sigh.
"Kayo naman kasi eh. Bakit kailangan niyo pa akong ilipat? I'm okay with my former school," I muttered.
Hangang ngayon kasi hindi parin malinaw sa akin ang dahilan kung bakit kailangan kong lumipat ng school sa gitna ng senior year. As far as I know, wala akong naging problema sa dati kong school. Hindi ako bully at mas lalong hindi ako pasaway. Actually, people at school didn't even notice my presence. I'm one of the outcasts and I'm fine with that. I don't need attention. It's just making me awkward.
Isa lang naman ang alam kong dahilan para ilipat ako ni Grandma. Dahil siguro ito sa nangyari noong gabing yun. Mula kasi noong namantay si Dad at Mom sa isang car accident ten years ago si Grandma na ang nag alaga sa akin at naging kasama ko sa bahay.
Noong gabing yun malakas ang ulan at mahimbing ang tulog ko sa kwarto. Pero bigla nalang akong nagising nang maramdaman ko na may ibang tao sa loob ng bahay maliban sa amin ni Grandma. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka magnanakaw. Kaya naman lumabas agad ako ng kwarto para gisingin si Grandma.
Nasa hallway na ako noong nangyari yun. Someone grabbed me and in that exact moment everything froze. Huminto ang oras, ang paghinga ko, maging ang tunog ng ulan sa labas. Seconds later I lay on the floor unconscious. Hindi ko alam kung anong nangyari. Akala ko patay na ako noon. Wala akong ibang maramdaman. Para bang nakakulong ako sa isang masikip na lugar at hindi makahinga.
The next thing I knew ginigising na ako ni Grandma. Mukhang pagod na pagod siya at sobrang nagaalala. Kinabukasan sinabi ni Grandma na lilipat na ako ng school. Sa school kung saan dati siyang nagtuturo. Hangang ngayon kapag naaalala ko ang gabing yun kinikilabutan parin ako. Sino naman ang magtatangkang kumuha sa akin? We are not even rich.
"Nandito na tayo, Ariela."
Mabilis akong sumilip sa labas nang sabihin yun ni Grandma. Isang malaking gate ang una kong nakita. Isang silver gate na sobrang taas. Kasing taas ito ng brick wall na nakapaligid dito. And the wall stretched for miles sa magkabilang dulo ng daan. Wow. School ba talaga ito o mansion?
Sinilip ko ang loob ng gate pero wala akong makita kundi isang derechong daan papasok. Sa gilid nito ay nakalinya ang mga puno sa berde at malawak na damuhan. Bumukas ang gate nang hindi ko namamalayan. Do they even have guards here?
Habang papasok kami sa school may naramdaman akong kakaiba. Para bang pumasok kami sa isang portal. Pero wala naman akong nakitang kakaiba sa daan. The atmosphere inside the school is scary but at the same time very enchanting.
"Charm Academy," basa ko sa pangalan ng school.
This place is so beautiful that I don't even know if it's real. Parang nangaling sa fairytale picture book ang lahat. Mula sa malaking fountain na nagbubuga ng crystal clear na tubig, sa brick wall building na nasa harap namin at pinaliligiran ng mga hanging plants, sa malawak na lawn, sa mga halaman na maayos na naka trimmed sa maze garden, at sa maraming puno. Lahat breathtaking!
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...