Chapter 3: Deadly Deal

1.9M 52K 14.1K
                                    

Chapter 3: Deadly Deal

We walked through the hallway leading to our first class which is Algebra. Mabuti nalang at kahit paano may normal subjects sila dito dahil kung hindi patay talaga ako. Habang naglalakad pinapaliwanag ni Snow ang mga rules at dapat kong malaman dito sa Academy.

Gaya din ng ibang estudyante naka uniform na ako. A dark red skirt, black socks na hangang tuhod, black shoes, white long sleeves at dark red neck tie and a cloak. I like their uniform. It's strange.

Kung titingnan normal lang naman ang mga estudyante dito. Ang hallway ay pangkaraniwan na puno ng studyante. Yung iba napapatingin sa akin dahil ngayon lang ako nakita pero pagkatapos nun agad din silang bumabalik sa kanya kanya nilang ginagawa.

"Mabuti nalang at mukhang normal ang mga tao dito."

"Akala mo lang. Bawal ang gumamit ng charms maliban sa training rooms and grounds." sagot ni Snow na narinig ang sinabi ko. "Pero makikita mo din mamaya. Madami ang pasaway."

"Gaya ni Jett?" I pointed out.

Snow nodded. "Jett is the number one. Sakit siya sa ulo ng mga faculties dito. He's a rebel. He loves breaking the rules. Pero may control parin ang school sa kanya dahil sa limitations na nakapalibot sa Academy."

"Are you serious? Halos gawin niya akong abo. Controlled parin ba sa lagay na yun?"

"Yup. Pansin mo yung hikaw niya sa kaliwang tenga? Isa yun sa mga charm restrain na nilagay ni Sir Chase para hindi siya makapang wasak. Sa High School Department kasi, si Jett ang isa sa mga may dangerous type of charm."

"Dangerous type?" tanong ko.

"Galing ka nga pala sa normal world, ano?"

I shrugged. "Obviously."

"Elemental powers are commonly called dangerous charms. Their charm is so powerful they have the ability to destruct. Technical types like me can create. Latent type uses extraordinary senses like teleportation, mind reading or creating illusions. But dangerous types definitely are the most destructive."

Biglang nagbalik ang takot ko dahil sa sinabi niya.

"At meron pa pala," she added habang nagpatuloy kami sa paglalakad. "The strangest and rarest type of charm." Humarap siya sa akin. Her eyes are almost sparkling with excitement. "That's the special type."

"Oh? Anong kaya nitong gawin?"

"Nah. It's so rare ni hindi ko alam ang details tungkol doon." Huminto si Snow sa tapat ng isang malaking double door at ngumiti. "We're here."

Tuluyan na akong kinabahan. Ano kaya ang naghihintay sa akin sa loob? Sana naman pagkatapos ng araw na ito buhay pa ako.

"Ready ka na?" nakangiting tanong ni Snow.

"I will never be ready for this." I answered honestly.

Natawa naman siya bago binuksan ang pinto. "Don't worry. Mababait naman sila. Yung iba."

Pagpasok namin sobrang ingay sa loob at napaka gulo. Para akong pumasok sa isang circus slashed amusement park. Pero agad silang tumahimik nang makita kami ni Snow. Sa totoo lang sa akin sila nakatingin na para bang naghihintay na may sumabog o kung ano. Awkward.

"Hey, bagong classmate?" tanong ng isang babae na lumapit sa amin. Nakangiti siya. Mukha siyang mabait. Umupo kami ni Snow sa bandang gitna. Napatingin ako likod kung saan umuulan ng yelo.

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon