Chapter 8: Caught in the Trap
Hindi ako makatulog. It’s already past midnight pero gising na gising parin ako. No signs or even a hint of sleep. Ilang oras na rin ang nakalipas mula nang makabalik kami nila Snow sa Academy. Pero hangang ngayon hindi parin maalis sa akin ang sinabi ni Miss Evergreen tungkol sa charm ko.
“Ariela you already found it.”
Paanong nangyari yun eh hindi ko nga alam kung ano ang charm ko. She also said that I already manifested it. It means nagamit ko na. Saan ko naman siya nagamit? Wala akong natatandaan. How can I believe her? Ni hindi niya masabi sa akin kung ano nga ito o paano ko ito nailabas.
Napabuntong hininga na lamang ako at nag-shift ng pwesto sa kama. Humarap ako kay Snow na kasalukuyang natutulog. Mabuti pa siya nakapagpahinga na. Maaga siyang natulog kanina. Halatang napagod sa paglalakbay.
“You are a special girl, Ariela. Kaya lagi kang magiingat.”
Yun ang huling sinabi sa akin ni Miss Evergreen bago namin siya iwan. At yun ang huling nasa isip ko noong pilit kong pinikit ang mga mata ko para matulog. Special? That’s funny. I’m anything but one.
“Wake up, Ariela. Ha’la napasarap na talaga ang tulog mo,” I groaned. Nagtakip ako ng kumot to droned out Snow's voice.
“Wake up. Hindi ka ba papasok ngayon?” Pasok? I thought groggily. Hindi ba masyado pang maaga? Katutulog ko lang eh.
"Malalate ka na sa third subject natin." Binuksan ko agad ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Snow. She can't be serious. Pinilit kong umalis sa pagkakahiga sa kama. Sa sobrang pilit bigla nalang akong nahilo. Bakit ganito? Ang sama ng pakiramdam ko.
Lumabas si Snow mula sa bathroom with a floating hair brush brushing her hair. Isa nanaman siguro sa mga bagong spell niya.
“Kanina pa kita ginigising pero dine-deadma mo ako. Hindi ka tuloy nakapasok sa first two subjects natin.” she stated. Natigilan ako at napatingin sa bed side table. SERYOSO? 10:30 na?! Nagmadali akong pumasok sa bathroom.
“Do you want me to wait for you or mauna na ako?” narinig kong tanong ni Snow mula sa labas.
“You should do the latter," sagot ko mula sa bathroom. "Ayokong malate ka dahil sa akin.”
“Okay then, kita nalang tayo sa school,” Snow called at maya maya pa narinig ko na ang tahimik na pagsara ng pinto ng kwarto.
Magsisimula na sana akong maligo nang matigilan ako sa napansin. Sumasakit ang birthmark ko. Nilislis ko ang collar ng pantulog ko para makita ang birthmark ko sa bandang kanan ng balikat ko. Hinawakan ko yun ng bahagya. Wala namang kakaiba dito pero bakit ito sumasakit ngayon? Ipinagsawalang bahala ko na lamang yun at nagpatuloy sa pagbibihis. Malamang kasama lang ito sa pagod ko nitong mga nakaraang araw.
Lumipas ang oras at hindi na nagbago itong nararamdaman ko. Mas lalo pa ata siyang lumala noong pumasok ako ng school. Hapon na at eto ako, nakaupo sa classroom, nakarest ang ulo sa desk at nakapikit. Habang yung ibang mga classmates ko nasa training room at malayang ginagamit ang mga charm nila. Pinanood ko sila kanina. Nakita ko kung paano nila gamitin sa pakikipag laban ang mga charm nila. Lalo na ang mga elemental powers ni Jett at Collin. I would never forget that. Doon ko narealizes kung gaano talaga sila kalakas.
With Jett’s fire power and Collin’s wind power, hindi parin ako makapaniwala na nakakasama ko ang mga gaya nila araw araw. It still gives me chills kapag naaalala ko ang mga nakita ko. Kung maglaban kasi sila parang hindi magkaibigan eh. Fire and wind. And they are best friends. How ironic.
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...