Chapter 20: The Deal with Augury
"Ariela, naririnig mo ba kami?"
"What the hell happened? Answer me!"
"Sumagot ka Ariela."
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Nagulantang ako dahil doon at napansin na nakatingin ang apat na tao sa akin. Si Freya, si Snow, si Collin, at si Jett.
"Bakit mo ako sinampal?" asik ko kay Freya.
Inirapan niya lang ako. "Para magising ka."
"I'm not unconscious!"
"But you look out of it."
Tumingala ako sa mga kasama ko. They look so relieved that I'm okay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lupa pero bigla nalang akong bumagsak. Hindi ako makapaniwala nang makita ang estado ng mga binti ko. Puno ito ng dugo.
"Oh my, God, Ariela."
Natutop ni Snow ang bibig niya nang makita ito. "Don't worry. I'm fine." I assured her. Totoong okay lang ako. Wala akong maramdaman.
"Kaya mo bang maglakad? Okay, that's a dumb question. Mabuti pa—"
Hindi natapos ni Snow ang sasabihin niya dahil biglang lumapit si Jett sa akin. Saka niya ako binuhat. Napanganga ako. Sinimulan naming tahakin ang daan palabas ng gubat.
"Sandali! Kaya kong maglakad! Bitawan mo ako!"
"Ilang minuto lang eepekto na sayo ang ginawa mong pakikipag laban." Derecho ang tingin niya sa daan nang sabihin niya yun. "Mahihirapan ka ng tumayo."
Tumingin ako sa mga kasamahan ko sa likuran. Alanganing sumunod si Snow, napangiti naman si Collin na sumunod din, si Freya masama ang tingin at nasa hulihan.
"Jett, kaya ko naman talaga. I swear—"
"Power rush. Tawag yan sa adrenaline rush na kayang ibigay ng mga charm. Kapag nag fade na yan sa katawan mo. Mararamdaman mo ang lahat ng sakit na hindi mo naramdaman kanina. Like an aftershock."
He said those words with finality kaya hindi na ako nakapag salita pa. Hinayaan ko nalang siyang buhatin ako. Hindi naman siya mukhang nahihirapan. Pero ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. At ang init niya. Hindi ko alam kung napapaso na ba ako o talagang humahapdi lang ang katawan ko.
"Jett," bigla kong sabi matapos ng mahabang katahimikan. "Hindi ko siya natalo. Buhay parin si Hades."
Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak niya, a response from what I'd just said. Alam kong alam niya ang nangyari. Noong dumating siya kanina naabutan niya ang anino na nakapalibot sa akin. Sinugod niya ito at hinila ako palayo doon. Doon ko nalaman na nakalutang na pala ako sa ere kasama ang anino.
Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa lupa kasabay ng pag laho ng anino. I could hear Jett calling out na lumabas ito at maglaban sila. Pero hindi na ito nagpakita. Si Hades buhay parin siya at ang huli niyang sinabi ang pumupuno sa utak ko hangang sa mga oras na ito.
"Hwag kang mag alala. Hindi na ako papayag na muling makalapit siya sayo."
A sharp pain swept over me. Unti unti kong naramdaman ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. The power rush is fading and it was freaking painful. Every part of my body is screaming in pain. Lalo na ang binti ko. Para bang may malaki itong butas na sinisipsip ang bawat laman ko. Napapikit ako sa sakit.
"Calm down." utos ni Jett. Napahawak ako ng mahigpit sa tela ng damit niya dahil sa sakit.
"Hwag kang mag panic. Lalo mong mararamdaman ang sakit."
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...