Chapter 21: Mystic Gifts
Hindi ako papayag na gamitin nila si Grandma laban sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kung makukuha nila ako maaring maging katapusan na din ito para sa Academy o sa buong society ng Greven. Hindi nalang ito tungkol kay Grandma at sa charm ko ngayon.
Pumunta ako sa office ni Miss Serena para tawagan si Grandma for the nth time that week. Sa office lang kasi ni Miss Serena maaring magkaroon ng kumonikasyon mula sa labas. Alam kong maaring wala nanamang sumagot gaya nitong mga nakaraang araw pero hindi parin ako nawawalan ng pag asa.
“Hello?”
My heart immediately lifts up the moment I heard the familiar voice. “Mrs. Elena.” I exclaimed. Siya ang kapitbahay namin. Maaring may alam siya kung nasaan si Grandma.
“Ariela, hija! Bakit ngayon ka lang tumawag. Naku, alalang alala na kami sa inyo ng Lola mo.”
“Nasa isang boarding school po kasi ako.” maikling paliwanag ko. “Si Grandma po ba, umuwi na siya?”
I waited with baited breath for her answer. “Hija, hindi mo ba alam? Noong umalis kayo ng Grandma mo hindi na siya bumalik pa. Nagaalala na nga kami mula nang nabalitaan namin ang nakawan sa inyong bahay ilang buwan na ang nakararaan.”
Nakawan? Tama. Yun nga ang sinabi ni Grandma kay Mrs. Elena bago kami umalis. Na may nagtangkang nag nakaw sa amin. Hearing about it now I remembered the very reason why I’m here in this Academy in the first place.
Ang mga taong nagtangkang kunin ako noong nasa normal na mundo palang ako, maari bang ang Augury yun? Alam nila kung saan kami nakatira hindi ko pa man alam na may charm ako. Kung ganun maaring nasundan nila kami sa pagpunta sa Academy at si Grandma hindi na siya nakauwi pa—
“Mrs. Elena, sigurado po ba kayo?”
“Sigurado ako, Ariela. Oo nga pala, hija. Kaya nga ako nandito sa bahay niyo dahil kagabi lang may umaaligid ditong ilang mga tao. May alam ka ba tungol doon?”
Natigilan ako. Mga tao na umaaligid sa bahay namin sa normal na mundo? Bakit naman nila gagawin yun? At bakit— Isang click sa pintuan ang narinig ko. Tinakpan ko ang receiver at lumingon sa direction ng pintuan. I was expecting someone to walk in pero walang nangyari.
“Mrs. Elena, sandali lang po.” binuksan ko ang pintuan at sumilip sa labas. Walang tao. Weird. Pero narinig ko ang pagbukas ng lock nito. Pagbalik ko sa telepono nakapatay na ito. Sinubukan kong muling tawagan ang number namin pero tuluyan ng naputol ang linya.
Napaupo ako sa pinakamalapit na upuan. Tuluyang namatay ang linya ng telepono. Ibig sabihin ba hindi na ako makakatawag pang muli sa normal na mundo?
Lumabas ako sa office na may kakaibang pakiramdam. Para bang may nagmamasid sa akin. Napalingon ako sa bintana at inaasahang may makikitang uwak. Wala naman. Yun lang ang alam kong paraan ng Augury para makalapit sa Academy. Guni guni ko lang siguro yun.
Bumaba ako sa hallway na malalim ang iniisip. Hindi nakatulong sa sitwasyon ang nalaman ko. Nasaan ba si Grandma? Totoo bang nasa Augury na siya sa mga oras na ito? Hindi ako sigurado pero habang tumatagal mas umaayon sa sinasabi ni Hades ang mga bagay bagay.
“Ariela! Hey!” huminto ako sa paglalakad nang marinig ang matinis na boses ni Layla.
Nagtatakang tiningnan ko siya. “Bakit nasa labas ka?” tanong ko. “Wala ba tayong klase?”
Karirinig ko lang ang school bell na nagsasabing tapos na ang Lunch Break. Hindi ba dapat nasa classroom na siya sa mga oras na ito?
“Remember the Mystic gift?” excited na tanong niya. “Tara na sa work room. Oras ng pag gawa kaya wala tayong klase.”
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...