Chapter 16: Fire Against Light
Sinabi ni Collin na hindi sa pag gamit ng weapon natatapos ang training na tinutukoy ni Jett. I need to apply everything I have learned bago ako sumabak sa mission. At isa na dito ang kalabin si Jett. Biglang naglaho ang excitement ko para sa susunod na training. This would be the second and last part of the training. Kung tama si Collin matatapos ko ito ngayon and the application would be this exact same day.
Pakiramdam ko magkakasakit ako. Sana hindi nalang sinabi ni Collin ang lahat para hindi ako naguguluhan ng ganito. Pero may pakiramdam ako na sinadya niya ito. Ano ang dahilan? Para hindi ako makapag concentrate? Para bigyan ako ng dagdag na challenge? Nakakainis dahil hindi ko alam ang sagot. Sa ngayon kailangan kong mag focus. Pero paano ko gagawin yun kung pakiramdam ko nagt-training ako para talunin si Jett?
Nasa harap ako ng training room at nagdalawang isip kung papasok ba ako. Paano kung sabihin ko nalang sa kanya na alam ko na. Na hindi ko siya kailangang kalabanin. Napapikit ako nang ma-imagine ang magiging reaction niya. Baka mapabilis lang lalo ang pakikipag laban ko sa kanya. Sa huli pumasok din ako sa training room. I puffed a sharp breathe. Focus, Ariela. Kalimutan mo ang narinig mo. Nasa pangalawang parte ka na ng training. Ngayon ka pa ba mawawalan ng control?
Pagpasok ko nandoon na si Jett at nagt-training ng sarili niyang kapangyarihan. Hindi ko maiwasang humanga habang pinapanood siya. Napaka natural sa kanya ng lahat. Mula sa pag release ng charm hangang sa pag gamit nito. Napaatras ako sa narealize. Hindi ako kailanman magiging katulad nila. Hinding hindi ko siya matatalo kahit nasa akin pa ang special charm.
Biglang napatingin sa akin si Jett na nakakunot ang noo. "Ano? Wala kang balak ipaalam na nandito ka na."
Lalo akong na-intimidate. Alam niyang nandito ako kahit hindi ko pa sabihin. Baka nga alam niyang nag dalawang isip ako bago pumasok.
"Kailangan mo pa ba?" tiningnan ko ang fire blades na unti unting naglalaho sa mga palad niya. Bakit niya ako tinuturuan kung alam niyang maari ko siyang kalabanin?
"May nangyari ba?" I faced Jett at mukhang nagtataka siya. Funny, he almost sounded concern.
"Wala naman. Simulan na natin ang training."
Emotions. It has always been my weakness. At sa pagkakataong ito ko lubhang napatunayaan. Hindi ko kayang saktan si Jett o kahit sino man sa mga kaibigan ko. Even if that means not surviving for me at all.
Sa second part ng training ipinaliwanag ni Jett ang kayang gawin ng isang bow and arrow na gawa sa charm. The charm arrow is a weapon made from pure controlled charm energy. A single sure hit of the target and his charm would be shut off in mere second. That's how dangerous my weapon could be.
Sa pakikipag laban madami ang pagkakataon na kailangan kong gumamit ng charm weapon para patamaan ang kalaban. Pero delikado kapag ginawa ko yun nang hindi iniisip kong gaano kalawak ang maapektuhan ng charm ko. Maaring madamay pati ang mga kasama ko. I could turn off their charm if I would not be careful at magagamit ang sitwasyon sa advantage ng kalaban. What Jett want is for me to have a direct hit. Gamit ang pana at palaso na kaya kong macalculate ang distansya ng kalaban at patamaan siya nang walang ibang nadadamay. That way I could kill his charm within a safe and workable distance.
Humanga ako nang ipaliwanag ni Jett ang lahat ng yun sa akin. Hindi nagsisinungaling sila Layla noong sinabi nila na matalino siya. He seems full of strategy to survive and fight back. I wonder kung dahil yun sa mga missions na pinagdadaanan nila. In the back of my mind I'm also wondering kung kailangan ko ba itong i-apply kung sakaling kakalabanin ko na siya.
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...