Chapter 26: For Those Who Remain
Mabagal ang paglipas ng araw habang nanatili ako sa Mirandi. Pero dahil sa araw araw na ginagawa ko at sa mga taong katulad ni Leon hindi ito naging mahirap gaya ng inaasahan ko.
Yes there are times that Leon is too frustrating and Georgia is too strict and the people in the castle is too annoyingly respectful but nevertheless they are helping me to cope up.
There are times that I really miss everything I left behind. Pero alam kong kung gusto ko pa silang muling makita kailangan kong hwag isuko ang sarili ko sa kalungkutan.
"You're smiling. That's great."
Napatingin ako kay Leon na nakangiti sa harap ko. Inalis ko agad ang siko kong nakapatong sa table at pilit sumimangot. "What?"
Natawa siya. "Hwag ka ng magkunwari. Nakangiti ka kanina."
I scoffed at binalik ang tingin sa dalawang batang nasa kabilang kalye at nakatingin sa tindahan ng mga candy at chocolate.
"Natutuwa lang ako sa mga bata." sagot ko at sumipsip ng lemonade na binili namin kanina.
Nandito nga pala kami sa bayan. Sa isa sa mga paborito kong tindahan sa downtown Mirandi.
Maganda ang bayan ng Mirandi. Malinis at puno ng mga palamuti gaya ng mga halamang nasa paso sa bawat bintana at pintuang madaanan mo. Mukhang luma ang mga bahay pero pinaninirahan ng mga masayahing mga tao. May mga itim din na street lamps sa bawat sulok at tabi ng kalye na nakabukas buong araw. Kapag pumupunta ako sa bayan para akong nag time travel sa nakaraan.
Yung mga bata sa kabilang kalye na tinutukoy ko ay mga batang kung makatingin sa tindang matatamis sa loob ng shop parang yun na ang pinaka importanteng bagay sa mundo. Gusto kong tinitingnan sila dahil napaka inosente ng kaligayahan nila.
"Bakit hindi ka pumasok sa Charm Academy?" bigla kong tanong kay Leon kaya naman this time siya ang natigilan.
Kahit kasi may school sa bayan ay basic charm training and lessons lang ang binibigay ng mga ito. The advance lessons are in the Academy. It is considered the most prestigious magic school among the four societies of Magic. Karamihan sa mga tao sa bayan ng Mirandi ay nakapag aral o kasalukuyang nagaaral dito.
"I did. Pero hangang sophomore lang." sagot niya. "Ang kapangyarihan ko ay sub type ng air element kaya naisip nila akong ipasok doon. Pero dahil mas kailangan ako dito sa Mirandi dito ko pinagpatuloy ang training."
I nodded. "May kilala din akong sub type ng elemental magic." Naalala ko ang matatalim na titig ni Freya. "Alam mo bang naging kaibigan ko ang may hawak ng element of air?"
Napatingin siya sa akin at muling bumalik ang ngiti niya. "Si Collin Lucas ba ang tinutukoy mo?"
Halos masamid ako sa iniinom ko. "Paano mo nalaman ang pangalan niya?"
Natawa siya sabay gulo ng buhok ko. "Sa Magic World iilan lang ang may hawak ng elemental magic at mga sub types nito. Malamang kailangan naming malaman kung sino sino ang mga yun. Isa pa pumasok ako sa Academy ng dalawang taon."
"Ibig bang sabihin kilala mo din si—"
"Si Jett Forester ang fire element?" tanong niya. "Sila ang mga freshmen na sakit sa ulo ng mga guro."
Hindi niya napansin kong gaano ako natigilan. A light smile brushed my face. "Tama ka. Pasaway talaga sila."
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...