Chapter 29: Finally Captured
Hinila niya ako at dinala sa isang sulok ng dance floor. He was smiling again but his eyes are as empty as black holes.
"May problema ba?" tanong ko.
He shakes his head and let a sad smile. "Ariela, sorry." sabi nito out of nowhere.
"Bakit ka nags-sorry?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Kinuha niya lamang ang kamay ko at ginaya sa pagsasayaw.
Para siyang lasing. Pero normal naman siya tingnan maliban sa walang emosyong mukha niya.
"Leon ano bang nangyayari sayo?" nainis na ako.
"Hindi kita kayang ibigay. Pero ginamit nila ang ama ko. Nasa kanila ang ama ko."
Tumatawa siya pero yung boses niya katulad noong araw na nasa burol kami. I stop dead the moment I realized what is happening.
"Ginagamit ka ba nila?" Nangatal bigla ang katawan ko. "Leon nandito ba sila? Sabihin mo."
Leon smiled insanely once again. "Leon sabihin mo. Kailangan kong malaman."
"Nandito sila." he mumbled in a low voice. "Nagkalat sila sa Royal Ball. Nandito sila para kunin ka."
"Kaya sila nakapasok sa Mirandi dahil sa akin. Ariela, itatakas kita."
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Napatingin lamang ako sa kanya na may nanginginig na mga kamay.
"Leon sabihin mo kung nasaan sila. Humingi tayo ng tulong. Nandito ang matataas na tao ng council—"
Natigilan ako nang biglang humigpit ang hawak ni Leon sa mga kamay ko. Naramdaman ko ang lamig ng kamay niya na tumama sa mga palad ko.
"Sumama ka sa akin Ariela. Kailangan mong lumayo sa lugar na ito. Binigyan ko sila ng permiso para makalampas sila sa barrier ng Mirandi. Kasalanan ko ito."
Seryoso ang boses niya. Pero napansin ko ang hirap niya sa pagsasalita. Para bang nag lalaban ang dapat niyang sabihin sa gusto niyang gawin. Nagmadali siya sa paglabas sa Hall at halos mapatid ako dahil sa paghila niya sa akin.
Nang makalabas kami sa Hall bigla siyang huminto at napahawak sa ulo niya na para bang may inindang matinding sakit doon. Pero nagpatuloy parin kami sa paglabas sa kastilyo.
If I only knew that time that Leon is bringing me far from safety. Sana nanatili na lamang ako sa Royal Ball sa loob ng kastilyo.
Four days before the capture:
Pinagmasdan ko ang paalis na sasakyan ni Grandma saka napabuntong hininga. I guess no matter what I do I was still left with no choice. Umakyat ako sa stairs papunta sa kwarto. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Gusto ko ng magpahinga.
Pagdating ko sa kwarto isang damit na nakapatong sa kama ang agad na bumungad sa akin. Isang kulay cream flowy dress na hangang ankle. Kumunot ang noo ko. Para saan ito?
Kinuha ko ang dress at iniangat yun para matingnan. Eksakto naman na may nahulog na piraso ng papel mula dito. It's a note. Binasa ko ito.
Suotin mo sa gabi ng Royal Ball ng Mirandi. Hindi man kita makikita, alam kong magiging maganda ka sa gabing yun, apo. Nagmamahal, Grandma.
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...