Chapter 35: Charm Diffused

1.1M 37.1K 11.7K
                                    

Chapter 35: Charm Diffused

May nakapagsabi sa akin na kung wala akong pinapahalagahan wala akong dapat katakutan. Dahil walang maaring magamit laban sa akin ang mga kalaban. Pero naisip ko noon, kung wala akong pinapahalagahan, para saan pa at lumalaban ako?

Minsan sa pag protekta sa isang bagay kailangan nating isakripisyo ang sarili nating kaligtasan. Hindi sa dami ng technique at lakas ng kapangyarihan nasusukat ang lakas ng isang tao. Nasusukat ito sa kakayahan niyang protektahan ang mga taong mahalaga sa kanya sa ano mang paraan.

Hindi ako malakas. Inaamin ko yun. Madami akong naging pagkukulang. May mga kahinaan ako. Hindi ako perpekto.

Pero hindi ko hinangad na maging pinakamalakas. Hindi ko hinangad na maging perpekto ang kapangyarihan ko. Isa lang ang gusto ko. Ang maprotektahan ang mga taong malapit sa akin. Dahil walang silbi ang kapangyarihang meron ako kung sa huli may taong mawawala sa akin.






Pumasok kami sa loob ng malaking kwartong yun kung saan nangyayari ang laban. Ang una naming nakita ay ang walang malay na katawan ng mga taong nakaharang sa daan kung saan halos bumagsak ang mala heganteng pintuan. Layla and Lily gasped before hurrying to help them. But what really caught my attention is the scene in front of us.

Nasa loob kami ng isang tore. Isang madilim at hugis bilog na kwarto na may pader na umaabot hangang kisame. May malaking mesa sa sulok malapit sa bintana. May mga nakalinyang bookshelve sa isang parte ng pader na ngayon ay puno ng nasusunog na libro. May nakabukas na pinto sa likod kung saan makikita ang isang madilim na staircase papunta sa pinakamataas na bahagi ng kastilyo. Yun na siguro ang kwarto ng Headmaster.

Nahahati ang tore sa tatlong eksena. Ang isa sa pinakamalapit sa amin ay si Collin. Pilit niyang tina-trap sa isang heganteng ipo ipo ang ilang taga bantay na naka cloak. Napansin ko ang hirap niya sa pag control nito at ang mga galos sa mukha niya. Mukhang pagod na pagod na siya.

Sumunod ay si Leon. Sa kanya nangagaling ang liwanag na nakita namin kanina. Sa parehong palad niya lumalabas ang kapangyarihan ng kidlat. Nakatuon ito sa magkabilang direction kung saan pilit lumalapit ang mga taga bantay. Noong una hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila gustong makalapit ang mga ito sa likod na parte ng tore.

That is until I saw Jett.

Nakatayo siya sa pinaka likod na parte ng tore. Nakatalikod siya mula sa amin at kahit sa malayo alam kong hingal na hingal na siya. His hands are blazing with raw fire. Puno ng usok sa iba't ibang parte ng room dahil sa kanya. I let a silent gasp before mouthing his name.

Jett.

Bigla siyang napatingin sa direction namin na para bang narinig ang sinabi ko. I stood there motionless as he stared at me. Ang puno ng dumi at galos niyang mukha ay naging maaliwalas nang makita ako. For a moment natigilan siya at para bang gusto niya akong lapitan. He looks so relief seeing that I'm safe. A strange feeling washed over me. Jett Forester. Bakit hindi pwedeng maging maayos ang lahat at masabi ko sayo ang totoo? Na gustong gusto kita.

Isang pagsabog ang narinig namin. Nagmula ito sa direction kung saan nakaharap si Jett kanina bago kami dumating. Biglang nagliparan ang mga malalaking tipak ng pader na naipon sa sahig. Lumabas mula dito sa isang lalakeng familiar sa akin. Walang expression sa mukha nito nang tingnan si Jett.

Hindi ako makapaniwala. Ang Headmaster ng Augury.

Natigilan ako dahil sa pagkabigla at takot. Hindi niya napansin ang pagdating namin. He extended his wringkled hands in both side at  naglutangan ang mga bagay na nakapaligid sa amin gaya ng tipak ng pader at mga gamit. Hangang sa marating ng mga ito ang kisame. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi. Sa isang kumpas ng kanyang palad nagsimulang bumulusok pababa ang mga ito, kasabay ang pagdating ng napakaraming taga bantay.

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon