Chapter 7: The Quest for Evergreen
"The Academy gave you one day to finish this mission. Remember charmers, one day only." Hinigpitan ko ang hawak sa sweater na suot ko habang nakikinig sa mga instructions ni Sir Chase. It's five o'clock in the morning at nandito kami ngayon sa harap ng main gate ng Academy.
Nawala ang dreamy gaze ng katabi ko nang marinig ang sinabi ni Sir Chase. "Excuse me, Sir? Pero ilang kilometro pa ang layo ng susunod na bayan mula dito. We can't do that," reklamo ni Snow.
"Yes, you can," Sir Chase answered with a hint of finality. "This is a punishment Miss Edwards not a fieldtrip."
"Pero... pero Sir..."
"No buts. Come on." Lumapit kaming lima sa gate. He raised his hand and waved it in front of the huge gate. In a slow motion, the gate opened.
"Dapat kasi hindi niyo na sinama ang mga yan. Pabigat lang eh," I heard Jett muttered from behind me.
Ewan ko ba dyan. Simula nang dumating kami dito wala na siya sa mood. Masama lagi ang gising. Si Collin naman kalmado lang na nilalaro ang asong si Loki na pinayagan ni Sir Chase na isama namin.
"Quit it," warned Sir Chase. "Tandaan niyo, hindi kayo pwedeng gumamit ng charm sa labas ng Academy, maliwanag? Lalo na ikaw Jett."
Jett scoffed.
"Nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin. Don't mess up students. We're watching you."
Tuluyan na kaming lumabas ng Academy pagkatapos ng huling mga paalala ni Sir Chase. Pero bago kami makalayo napalingon ako sa kanya. He has an expression of worry and anxiety in his face. Bakit ganun ang expression ni Sir Chase?
"Ariela! Tara na!" sigaw ni Snow. Tiningnan ko ang mga kasama ko, mukhang wala naman silang napansin.
"Andyan na!" sagot ko. Baka guni guni ko lang yun.
We're walking. And walking. And walking.
Mga tatlong oras na siguro ang nakakalipas mula nang nagsimula kaming maglakad. Ngayon lang ako naglakad ng ganito kalayo sa buong buhay ko. Nadaanan na namin ang lahat ng pwedeng madaanan. Mga bahay, lumang bayan, bukid, kakahuyan pero sa tingin ko wala pa kami sa kalahati ng nilalakbay namin. Mataas na ang sikat ng araw and it's making things ten times worst.
"Arielaaaa. Gutom na ako, hindi pa ba tayo magla-lunch?" tanong ni Snow na naglalakad sa likuran ko.
"Snow, eight o clock palang ng umaga," sagot ko. "Sabi kasi sayo kumain ka bago tayo umalis."
"I thought sa downtown tayo dadaan. Madaming pagkain doon."
"Pero nandito tayo sa gubat ngayon."
She sighed deeply. Humarap ako sa kanya para hintayin siya sa paglalakad.
"We need to hurry up. Ang layo na nila oh," tukoy ko kay Jett at Collin. Hindi man lang talaga naghintay ang dalawang yun. They are such gentlemen. Not. Alam naman naming hindi sila madaling mapagod pero hello? Hindi ba sila pwedeng maghintay. Mga babae kaya kami. Mamaya may biglang sumulpot na kung ano dito.
"Sana may sumulpot na baboy damo dito ano? Tapos ipa-roast natin kay Jett."
Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapa-face palm sa sinabi ni Snow. Note to self: hwag gugutumin si Snow. She's not herself when she's hungry.
After an hour:
"Nasaan na ba tayo? Bakit parang nanggaling na tayo dito kanina."
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...