Chapter 12: The Puzzle Game
Isang mala kuryenteng energy ang lumabas sa mga palad ko. Inihugis ko yun sa sphere base na din sa laki ng lugar na gusto kong protektahan. Nagsimula ito bilang isang mist na bumalot sa akin hangang sa tumigas ito na parang salamin. Halos marinig ko ang pagdaloy ng energy habang pinapaligiran ako nito. Para itong kuryente na kapag hinawakan ay nakamamatay. Naalala ko bigla ang unang pagkakataon na nakakita ako ng isang energy sphere. Isang sphere na gawa sa apoy—
Biglang nawala ang concentration ko nang maalala ang may ari ng sphere na yun — Nabasag ang sphere na ginawa ko at nag vaporized. Shit. Shit. Shit. Sa tagal kong ginawa yun, ganun lang ito kadaling nawala nang mawalan ako ng control! Kainis! Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod at frustration. Napatingin ako sa palad kong namumula na sa sakit. I hug my knees and bury my face in there. Sa dami ng maaalala ko yun pa talaga. Para tuloy akong pinaglalaruan ng tadhana.
Lumipas ang mga araw at hindi parin kami ok ni Jett. Obviously wala na siyang balak makipag bati. Napapagod na ako dahil mukhang wala siyang pakialam kung magalit man ako sa kanya o hindi. Tuluyan na niya akong hindi pinapansin. It's as if I don't exist at all. And it extremely bothers me. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?
Ngayon ay araw nanaman ng training. Sa totoo lang ang gusto ko ngayon ay magpahinga. I'm too exhausted and my body ache is almost unbearable. Pero hindi sa lahat ng oras ay pwede kong masolo ang training room. Kapag nandoon kasi si Jett hindi ako pwedeng pumunta, kapag wala siya doon lang ako nakakapag training. So I need to make the most out of the situation. I need to train even if my body is telling me to stop and rest!
Pagdating ko sa harap ng training room hindi na ako kumatok pa. Dahan dahan ko lang na binuksan ang isa sa mala higanteng pinto. Pagbukas ko may narinig akong boses. Noong una akala ko nauna na si Jett at nagt-training na sa loob. Pero bigla kong narinig ang boses ni Collin.
"You are being unreasonable, Jett." that's Collin and from the sound of it he seems angry. Never ko pang nakitang magalit si Collin until now.
"Don't you think it's unfair? Na sabihin sa kanya ang mga bagay na yun para lang sumuko siya?"
"Tss. Dapat nga magpasalamat pa siya." That is Jett's annoying voice. "Hindi siya pwedeng magaya sa atin. Masyado siyang mahina."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Sino ba ang tinutukoy nila?
"Pero magiging gaya din natin siya. We know she can never escape it. The least we could do is to help her with her Charm. And you are not being helpful!"
Tuluyan ng sumigaw si Collin. That alone is a sign that something is wrong. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila at sa tingin ko hindi magandang nakikinig pa ako.
"Hindi ko hahayaan na mangyari yun."
Nabigla ako sa cold na boses ni Jett. It is almost threatening. I could practically imagine his sharp piercing gaze boring into mine.
"Pero siya ang may special Charm. Kung tayong may elemental ginagamit para sa mission, ano pa kaya siya."
What? Napaatras ako na dahil sa narinig. Mission? Special Charm? I shake my head as if trying to clear things up. Isa lang ang kilala kong may special Charm sa lugar na ito at ako yun. Anong kinalaman ko sa pinaguusapan nila?
Umalis ako sa lugar na magulo ang isip. Minabuti kong bumalik nalang sa room. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansing may nabanga ako.
"Sorry." I apologized at nagpatuloy sa paglalakad. Pero hinila ako sa braso ng taong nabanga ko at pinaharap sa kanya. Muntik akong sumigaw sa gulat.
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...