Chapter 27: Love Him or Hate Him

1.1M 47.2K 11K
                                    

Chapter 27: Love Him or Hate Him

Sinilip ko si Leon na nakahiga sa bed ko at may libro sa mukha na para bang natutulog. Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa pag susulat. Pero gaya ng inaasahan hindi pa man ako nakakalayo ay bigla nanaman siyang nagsalita.

"Yan nalang ba ang gagawin mo buong araw? Lumabas naman tayo." his drawling voice echoed in the four corners of the room.

"Nagaaral ako kaya kung pwede tumahimik ka. Ayokong mapagalitan ulit ni Georgia." reklamo ko at nag concentrate sa ginagawa ko.

Naramdaman ko ang pag tayo niya mula sa kama. Maya maya pa nasa tabi ko na siya at sinisilip ang ginagawa ko.

"Leon seryoso. Doon ka muna. Magyaya ka ng kung sino dyan. Busy ako." sagot ko sabay tulak ng marahan sa kanya palayo dahil hinaharangan niya ang liwanag mula sa bintana.

"Ikaw ang gusto kong makasama." sabi nito.

I rolled my eyes. "Dahil kaya kong pagtakpan ang mga ginagawa mong kalokohan? Pinapahamak mo ako kaya tumigil ka."

Natawa siya sabay lean sa pader malapit sa table. "Ayaw mo talaga. Kahit sabihin kong sa Charm Academy tayo pupunta?"

Huminto ako sa pagsusulat at mabilis na napalingon sa kanya. Lumapit ako sa kanya with a hopeful expression. "Talaga? Seryoso?"

Natawa siyang lalo dahil sa reaction ko. "Joke lang. Eh di ako naman ang napahamak."

Unti unting nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkapikon. Kinuha ko ang librong isang pulgada ang kapal mula sa mesa.

"Hindi ko gusto ang biro mo!" asik ko sabay hagis. Nakailag siya kaya tumama lamang ito sa pader at halos dumagondong ang sahig nang mahulog ito.

"Sorry na." sabi niya sabay tawa. "Masyado ka kasing seryoso."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo namang—"

"Gusto mo ng bumalik." he said cutting me off. "Alam ko naman yun eh. Ganun na ba kami kahirap pakisamahan dito?"

Ayan nanaman. Nakangiti siya pero yung tingin niya nakapa seryoso. Para bang may dalawa siyang mukha. Ang isa nakangiti at mapagbiro pero ang isa seryoso at para bang may ibang iniisip.

"Hindi sa ganun. Okay naman kayo dito." I sighed deeply. "Leon, pinag usapan na natin ito hindi ba?"

"Dito ka nalang kasi." biro niya. "Para araw araw kitang nakikita."

Kung hindi ko lang kilala itong si Leon isipin ko talagang seryoso siya. Pero alam na alam ko na ang ugali ng isang ito. Lahat ata ng kakilala niyang babae nasabihan niya na ng mga ganyang lines. He's an expert trust me.

Tinulak ko siya papunta sa pintuan. "Oo na. Labas na. Kailangan ko ng matapos itong pinapagawa ni Georgia."

Hindi na siya nagmatigas pa and instead siya ang nagbukas ng pinto. "Kung ganun tawagin mo nalang ako kapag bumaba ka na." paalam nito.

Tumango ako. Ginulo niya ang buhok ko bago tuluyang umalis. I swatted his annoying hand away. "LEON!"

Tumawa lang siya at nagsimulang naglakad sa hallway. Pero bago siya tuluyang nakalayo napansin ko ang pagkuyom ng mga palad niya at mahinang pagmura. Kumunot ang noo ko. That's weird. May nasabi ba akong masama?








Yun ang naging huling matinong pag uusap namin ni Leon. Pagkatapos ng araw na yun bigla nalang siyang madaming ginagawa. Hindi ko na siya madalas makita sa palasyo. Hindi na din niya ako ginigising sa umaga kaya naman lagi nalang akong late at napapagalitan ni Georgia gabi gabi. Kapag nakikita ko si Leon at yayayaing mag training o pumunta ng bayan laging sagot niya ay may kailangan siyang gawin.

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon