Charm Academy: Epilogue

1.2M 43.6K 31.6K
                                    

Author's Note:

Breathe. Keep calm. And thank you so much for being a part of this story.

***

Epilogue: Six Months Later

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Grandma buong byahe. Sobra na akong bored. Ilang oras na ba kaming nasa daan? Hindi ba talaga kami naliligaw? Puro puno nalang kasi ang nakikita ko kanina pa. Don't tell me na sa gitna ng gubat ang university na papasukan ko.

"Grandma sure ba kayo sa dinadaanan natin?" tanong ko for the nth time.

"Ariela apo, malapit na tayo. Hwag kang masyadong mainip." Nakangiting sagot niya mula sa rearview mirror.

"That's what you said an hour ago."

"Apo trusts me, dati akong nagtuturo dito. I know the place and I think you might find it familiar as well."

"Oh, please, Grandma. Ngayon nga lang ako nag byahe ng ganito kalayo. And anyway, fourteen years ka ng retired."

"Thirteen years, apo. I'm only 63." Pagtatama niya.

Napangiti ako. "Alam ko naman eh. I'm just testing your memory."

Muli kong pinagmasdan ang tanawin sa labas. Ano naman kayang klase ng university meron sa lugar na ito? All along I thought sa university sa bayan namin ako papasok matapos kong mag graduate ng high school. Pero mukhang may ibang balak si Grandma.

Napansin ko din ang pagbabago ng mood niya nitong mga nakaraang lingo. Mas naging magsigla siya. Six months ago kasi bigla nalang siyang naging malungkutin at tahimik. Pag gising ko isang umaga hindi na siya gaya ng dati. Hindi ko alam ang dahilan. Ang hinala ko nga may tinatago siyang sakit. Lagi niya akong pinagmamasdan na para bang may malalim na iniisip. At lagi siyang may kausap sa phone.

Ang weird nga kasi madalas hindi niya gustong marinig ko ang usapan. But sometimes I overheard her speaking about possible recovery or something. One time hindi ko sinasadya na ako ang nakasagot ng tawag. Isang boses ng babae ang narinig ko. Bigla ba naman siyang sumigaw at umiyak. I don't really know what happened. Pero yun ang naging huli kong pagsagot sa tawag.

Naging mas maayos ang kalagayan ni Grandma two months ago lang. Kasabay nito ang araw na nagising ako sa gitna ng gabi dahil nag ka-cramps ang mga palad ko. Noong una hindi ko maintindihan kung bakit. Pakiramdam ko nakuryente ako or something. Meron kasing weird na pakiramdam na para bang may dumadaloy na kung ano sa mga palad ko. But other than that naging normal ang lahat.

So that's it. Pagkatapos ng gabing yun naging mas attentive si Grandma sa akin. Lagi niyang tinatanong kung ano ang nararamdaman ko. Kung kamusta na ang mga palad ko. Araw araw niya ding tinatanong kung hindi ba sumasakit ang ulo ko. I just answered her according to what I feel is appropriate.

"Nandito na tayo, Ariela."

Mabilis akong sumilip sa labas ng sabihin yun ni Grandma. Isang malaking gate ang una kong nakita. Isang silver gate na sobrang taas. Kasing taas ito ng brick wall na nakapaligid dito. And the wall stretched for miles sa magkabilang dulo ng daan.

Natigilan ako. Sandali. Parang— parang nakita ko na ang lugar na ito.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Pero imposible yun. Ngayon lang ako nakapunta dito. But I swear familiar sa akin ang lugar. Mula sa mismong gate hangang sa pader. Hindi ako sigurado— Pero mukhang nakita ko na ito sa isa sa mga panaginip ko.

Nitong mga nakaraang buwan kasi madalas nagiging weird ang mga panaginip ko. Minsan paulit ulit ang mga ito. Gaya nalang ng isang particular na lugar na paulit ulit kong binibisita. Minsan nakikita ko ang sarili ko sa harap ng gate na katulad ng gate na nasa harap namin. Minsan sa harap ng isang mala kastilyong building. Minsan sa loob ng isang classroom. Pero hindi ko kilala ang mga kasama ko dahil madalas hindi ko matandaan ang mga mukha nila pag gising ko.

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon