Chapter 15: Training Arrow

1.4M 42.1K 8.8K
                                    

Chapter 15: Training Arrow

“You are kidding right?” yun ang una kong naging reaction nang marinig ang sinabi ni Jett.

Bow and arrow out of charm? That is ridiculous. Sure I could create spheres and barriers and maybe throw some energy balls if the situation requires. But a bow and arrow is too soon. This kind of training is not on my level. Masyadong delikado ang gusto niyang ipagawa.

“Mukha ba akong nagbibiro?” seryosong tanong niya. Nagtatanong lang sungit talaga nito. Malay mo naman kasi nagbibiro di ba?

“Pero paano ko gagawin yun? I couldn’t even touch a charm energy ang gawin pa kaya itong weapon.”

He smirks giving me the impression that he finds my having-no-idea amusing. “Nakakatawa na wala kang alam.”

I scoff. “Wow, pasensya na. Normal na tao lang ako nitong nakalipas na buwan.” pagpapaalala ko sa kanya. Lagi kasi nilang nakakalimutan na bago lang ako pagdating sa ganitong bagay.

“Hindi yan rason. Dapat sa oras na ito alam mo na lahat ng dapat mong malaman tungkol sa Academy. Kaya ka napapahamak eh.”

Napaka niya talaga. Akala mo kung sinong magaling. Minsan pinapagalitan niya ako kapag masyado akong madaming alam. Ngayon naman gusto niyang malaman ko ang lahat. Ano ba talaga?

“Hindi ka na pwedeng umatras dito. Kaya alamin mo na ang lahat.”

Natigilan ako. So ang training na ito ang makakapag sabi na hindi na ako pwedeng bumalik sa dati. Ibig sabihin pagkatapos nito—

“After this training you are going to be on missions.”

I stood there unmoving. Tiningnan ko lang si Jett habang tila tumahimik ang paligid. I blink a once, twice.

“Hindi ko gustong mangyari yun pero matigas ang ulo mo. Inalam mo ang lahat. Nagt-training ka mag isa. Wala kang kaalam alam na nilalapit mo ang sarili mo sa disgrasya.”

Inaamin ko bigla akong natakot pero hindi ko yun ipinakita. “Pero hindi ako habang buhay pwedeng umiwas. Kung kailangan nila ako sa mission kailangan kong maging handa.”

I bit my lips; a habit is starting to form. Kapag kinakabahan ako natatakot o naiiyak yun ang laging nagiging reaction ko.

“Hindi pa ba kami sapat?”

I stare at Jett. Puno siya ng galit pero at the same time para bang nakikiusap siya. Gusto kong hawakan ang kamay niyang nakakuyom at nangigigil pero biglang nawala ang sandaling kahinaan na nakita ko at bumalik na siya sa dating Jett.

“Mag simula na tayo.”

Jett started explaining the procedure of the training. Mahahati ang training na ito sa dalawang parte. Una ay ang pag gawa ng pana at palaso gamit ang charm energy at pangalawa ay pag gamit nito.

Wala akong problema sa pangalawang parte. Kaya kong gumamit ng pana at patamaan ang sinuman kung yun ang ikaliligtas ko. Ang magiging problema ay ang pag gawa nito. Sinabi ni Jett na pareho lang ang procedure kapag gumagawa ako ng barrier. Mas controlled at mas detailed lang ang pana at palaso.

“Pero paano ko mahahawakan ito?” tanong ko na nakakunot ang noo. He frowns at me like what I said doesn’t even count as a question.

“May charm ka ba talaga?” ito nanaman kami sa walang patutunguhang pag uusap.

“Duh!” I snap back.

“Alam mo bang nahahawakan ang isang charm output?”

So considered palang charm output ang pinapagawa niya sa akin. Ang output tulad ng barrier at sphere ay ang tawag sa mga bagay na kaya naming gawin gamit ang charm. Tama siya. Nahahawakan ang isang sphere dahil mula sa energy ay nagiging physical na bagay ito na p-protekta sayo sa pag atake.

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon