Author's Note:
This is the longest update so far. Sorry kung medyo natagalan.
By the way if you have time, you can also check my new story: Living with a Half Blood. If you are into mystery/ werewolves/ fantasy story, this one is for you.
Don't forget to leave your comments below. I read all of them. Enjoy reading!
@april_avery
***
Chapter 22: The Mystic Ball
Isang walang tigil na pagkatok sa bintana ang gumising sa akin sa kalagitnaan ng gabi ng Biyernes. Eksaktong isang araw bago ang huling araw ng usapan namin ni Hades.
Hindi muna ako tumayo. Pinagmasdan ko ang natutulog na si Snow at hinihintay na maririnig niya din ito. Pero patuloy lang ang mahimbing na pagtulog niya. Umalis ako mula sa kama at kinuha ang balabal na nakasapit sa cabinet saka tiningnan kung sino ang nandoon.
Nang makita ko ang maliit na imahe sa labas ng bintana at derechong nakatingin sa akin, agad akong kinilabutan. Napaatras ako ng isang hakbang nang muli siyang kumatok sa bintana gamit ang tuka niya. Saka siya nagpakawala ng isang matinis na ingay na tanging mga uwak lang ang kayang gumawa.
Mabilis kong tiningnan si Snow. Hindi parin siya nagigising. Bakit parang ako lang ang nakakarinig sa ginagawa ng uwak? Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang bintana.
“A-Anong kailangan mo?” tanong ko sa uwak na nakatitig sa akin gamit ang pulang mga mata niya. Maya maya pa bumuka ang bibig nito pero hindi tunog ng uwak ang narinig ko kundi boses ng isang tao.
“Lumabas ka.” utos ng boses ni Hades at nang mga oras na yun alam kong kailangan kong sumunod.
“Anong ginagawa mo dito? Hindi pa ito ang huling araw ng pag uusap natin. May natitira pa akong oras para mag decision.”
Pinagmasdan lamang ako ng uwak na para bang hindi maintindihan ang sinabi ko. Maya maya pa isang matinis na tunog ang pinakawalan nito kasunod ang pagka tunaw nito na para bang gawa siya sa itim na abo.
“Kamusta, Ariela?”
Isang itim na imahe na may pagkakatulad kay Hades ang naubo mula sa mga abo ng uwak. Lumutang ito sa damuhan at ngayon ay nasa harap ko na.
“H-Hades.”
Hindi maitago ang kaba sa boses ko. Bakit ba siya nandito? Hindi pa ito ang oras.
“May nabalitaan lang ako kaya ako bumisita.”
Ramdam ko ang ngisi sa boses niya habang dinadala ng hangin ang ilang bahagi ng katawan niya.
“Balita ko hindi ka naniniwala na nasa amin ang Grandma mo. Totoo ba Ariela?”
Isang malamig na hangin ang umihip sa buong paligid. Kahit na nakasuot ako ng coat ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko.
“Naninigurado lang ako.” asik ko na may matatalim na mga mata. “Kasalanan ko bang hindi magtiwala sa mga kagaya niyo?”
Para siyang sumasayaw sa hangin. I find that very irritating. Mukhang siya lang ang nage-enjoy sa usapan na ito.
“Ariela, Ariela, Ariela.” kalmadong sabi niya. “Do you think we would go, both of us, to such extent, kung naglolokohan lang tayo?”
Lumapit siya sa akin at ramdam ko ang malamig niyang presensya. Isang hangin na mas malamig pa sa hangin ng madaling araw.
“Alam mo ba kung ano ito, Ariela?”
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...