Chapter 25: Leon Lancaster

1.3M 38K 15.3K
                                    

Chapter 25: Leon Lancaster

Pinagmamasdan lang ako ni Leon buong oras na kumakain kami ng breakfast na naging lunch dahil halos tanghali na nang lumabas ako sa kwarto. Ewan ko ba sa kanya. Mukhang tuwang tuwa siya na wala akong kaalam alam sa nangyayari. He looks entertained and that definitely pisses me off.

Kahit ayaw ko kasing nasa malapit siya wala akong magawa. Isa siya sa mga nakatakdang magbantay sa akin habang nasa palasyo ako. Isa din siya sa mga matataas ang rank na charmer ng Mirandi. Halos mag kaedad lang kami sa palagay ko pero ginagalang siya ng mga tao dito. Maliban nalang sa mga babae.

Maliban kasi sa pagtitig sa mukha ko ay iba pa siyang pinag kakaabalahan habang kumakain. Kanina ko pa siya nakikitang nag bibigay ng kakaibang tingin sa isa sa mga babaeng nag sisilbi sa amin. The girl giggled ever so slightly. Nang mapatingin ako sa kanya bigla siyang huminto at napayuko. Hindi niya alam na yung pinalitan niyang taga silbi kanina na ngayon ay nasa kusina na ay ganyan ding ang reaction pag dating kay Leon.

JERK.

"Bilisan mong kumain, Ariela. Ipapasyal pa kita sa bayan." sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Ayaw mo?" tanong niya nang hindi ako sumagot.

"Matutulog nalang ako." walang sigla kong sagot.

He shakes his head and sigh. The girl giggled once again pero tumigil din agad. "Utos sa akin yun kaya wala kang magagawa."

I gave him a deadpan look. Nakakainis dahil dalawa lang kaming kumakain ngayon. Wala sa palasyo ang mga Headmaster kaya wala akong mapag tanungan sa mga totoong nangyayari. Sabi ni Leon bumalik na sila sa mga trabaho nila. Si Headmaster Cray at Grimrose bumalik na sa Greven at si Georgia Laferty naman ay mamaya pang gabi ang dating sa palasyo.

One thing I also hated is the fact that everyone in this old palace is staring at me like I was a kind of trophy. Kahit pilit nilang itago ang mga tingin nila hindi ko parin maiwasang mapansin.

Kapag dumadaan ako nagtatabihan sila at yumuyuko. May narinig din akong bulungan ng mga taga silbi kanina na patungkol sa akin. At kapag may tinatanong ako o gustong sabihin nakayuko sila habang kausap ako. Hindi ba nila alam na mahirap magsalita kapag nakayuko ang kausap mo? Isa pang hindi ko matagalan. Ginagamitan nila ako ng po at opo kahit mas matanda sa akin. Ano bang problema ng mga tao dito?

















Bumalik ako agad sa kwarto nang matapos kaming kumain. Wala akong balak na manatili sa labas sa mga oras na ito. Habang paakyat ako sa malaheganteng staircase ng palasyo hindi ko maiwasang tingnan ang mga paintings na makikita sa pader.

Mukhang pictures ito ng mga namumuno sa Mirandi. Una kong nakita ang lumang picture ng isang matandang lalake. Siya ang pinaka unang namuno hangang sa naging mas makabago ang picture at nakarating ako sa picture ni Georgia sa pinakamataas na step ng hagdan.

Maamo ang mukha niya pero ang mga tingin niya parang nababasa ang isip mo. Ginagalang siya ng mga tao dito pero hindi ko magawang matuwa sa kanya.

"Ayos ba? Alam mo ba kung sino ang susunod sa trunong yan?"

Napalingon ako sa likod ko at nakitang sumunod pala si Leon. Sumimangot ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sandali, ito naman. Tinatanong ka lang eh."

I rolled my eyes at humarap sa kanya. "Wala akong pakialam okay? Wala akong pakialam sa nangyayari sa lugar na ito."

Natigilan siya at biglang sumeryoso ang mukha niya. "Pero pinahahalagahan ka ng mga tao dito."

I was taken aback by his voice. Sigurado akong naapektuhan siya sa sinabi ko. Hindi na dapat ako nagsalita pa. That's stupid and insensitive.

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon