Chapter 28: The Harvest Festival
Pinagmasdan ko ang bayan mula sa balkonahe ng kwarto ko. Mas madaming tao sa labas ngayon kesa sa mga ordinaryong mga araw. Puno ng palamuti ang bawat sulok ng bayan at kitang kita ito mula sa kinatatayuan ko.
May makukulay na banners na nakasabit sa bawat sulok ng downtown. Naka sentro ito sa malaking water fountain sa gitna ng bayan. Kasama ng mga banners ang mga pulang mga lanterns na nakasabit din sa bawat sulok, bawat bintana, at pintuan, maging sa mga puno at halaman.
Napakaraming tao at halos lahat may suot na makukulay na damit na either pula o dilaw o orange. Maging ang palasyo ay binabalutan ng masayang atmosphere.
Excited na nag uusap ang mga taga pagsilbi at ang kusina ay laging puno ng pagkain. Kahapon ay naglagay sila ng mga dekorasyon sa palasyo dahil na din sa utos ni Georgia kaya naman puno ng kulay gold na banner ang Hall at nagkalat ang mga kulay pulang lantern at tuyong wreath sa bawat pintuan sa palasyo.
Mabilis akong lumabas sa kwarto dahil na din excited akong pumunta ng bayan. Dahil sa Harvest Festival ay hindi ko kailangang sumunod sa kahit anong schedule ngayon as long as present ako sa mga events. It’s definitely better than studying alone.
“Whoa, slow down there.” nakangiting bati ni Leon nang makita ko siya sa hallway. Mukhang papunta na siya para sunduin ako.
“Leon, tara na!” sabi ko sabay hila sa kamay niya. I feel him stiffen with my touch. Lumingon ako. “Ano?” nakangiting tanong ko.
“Wala. Ang ganda mo kasi.” sabi niya sabay tingin sa akin mula ulo hangang paa sa suot ko.
Bigla akong nahiya. Nakita ko kasi ang dress na suot ko na nakapatong sa bed matapos kong mag breakfast kanina. May note ito na nagsasabing suotin ko ang damit para sa event na pupuntahan ko ngayong araw. It’s not that glamorous actually. Isa lamang itong simpleng yellow sun dress na hangang tuhod at may floral pattern.
“You are not that bad yourself.” komento ko sa suot ni Leon. Sa totoo lang lagi naman siyang maayos tingnan kapag nakikita ko siya.
“Talaga?” Natawa ito.
I was expecting him to make a joke about it or actually brag how awesome and good looking he is gaya ng lagi niyang ginagawa kapag may pumupuna sa kanya. Pero ngayon napahawak lamang ito sa batok niya. Nahihiya ba siya? That’s new.
The moment we step in the downtown Mirandi the excitement and the festive atmosphere doubled up. Halos masilaw ako sa makulay na paligid. Mas matingkad pa pala ang mga kulay na nakikita ko mula sa balkonahe ng palasyo kapag malapitan.
Binati kami ng ilang mga bata pagdating namin sa gitna ng bayan kung saan naka sentro ang kasiyahan. Ang mga bata ang may suot na garland ng bulaklak sa mga ulo nila. Hinila ako ng isang batang babae na naka braids ang buhok.
“Mommy! Mommy! Gawan mo din siya. Wala siyang bulaklak!” masayang sabi niya sa babaeng nasa harap ng isang mesa na puno ng iba’t ibang klase ng bulaklak.
“Okay lang po. Hwag na po kayong mag abala.” Napatingin sa akin ang babae mula sa ginagawa niyang garland at medyo nabigla siya.
“Naku ikaw nga. Ang babaeng may special charm.” Masayang turo niya sa akin. Napatingin tuloy ang iba pang mga tao sa paligid. Lahat sila hindi makapaniwala habang pinagmamasdan ako.
“Anong gagawin ko, Leon?” tanong ko kay Leon na sumunod sa tabi ko. Akala ko kasi kilala na ako ng mga tao dito dahil sa madalas na pagpunta ko sa bayan. Dapat hindi na sila nagugulat pa.
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...