Author's Note:
Hi! You are free to send your fan arts or any artworks related to Charm Academy to the story's Facebook page or group. Ang page mismo ang mag s-share nito.
Last 3 Chapters! NO BOOK 2. Hindi niyo na mababago ang isip ko. So please vote or comment habang on going pa ang story. Specially sa mga silent readers. Para naman makilala ko kayo bago magtapos ang story.
Salamat sa lahat ng nagbabasa ng Charm Academy. (bilang na ang mga araw na sasabihin ko yan lol) Thank you for giving this story a chance and being a part of my dream.
Enjoy reading!
@april_avery
***
Chapter 34: All In Battle
Hindi ko alam ang eksaktong nangyari noong gabing yun. Wala akong maalala kung bakit ako nasa lugar na yun. Wala sa sarili ang katawan ko. Pakiramdam ko nga patay na ako noon. Pero nakita ko sila. Sa gitna ng nagkakagulong mga tao at umuusok na paligid nakita ko sila. Ang mga kaibigan ko. Ang mga kaklase ko.
May sumabog kung saan at naramdaman ko ang sarili ko na bumagsak sa malamig na sahig. Noong una hindi ako makagalaw. Nandoon lamang ako sa sahig at pinakiki-ramdaman ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang mga palad ko. Wala akong maramdaman na energy na dumadaloy dito. Nasaan ba ako?
Isang pagsabog nanaman ang nangyari. Punong puno na ng usok ang paligid. May naririnig akong sumisigaw. May mga tumatakbo. Wala akong makita kundi usok at apoy sa paligid. Sunod sunod na pagsabog pa ang nangyari. Pero ang katawan ko ayaw gumana. Nakakatawa. Gusto kong matulog sa gitna ng kaguluhan.
"ARIELA!"
May narinig akong sumigaw. Noong una hindi nag sink in sa akin kung kanino galing o sino ang tinatawag. Maging ang sarili kong pangalan pakiramdam ko hindi familiar sa akin.
"ARIELA DAVIS!"
Boses ng isang babae. Matinis. Nagaalala. Sa isang sulok ng malaking kwarto kung nasaan ako nakita ko ang iba't ibang uri ng kapangyarihan. Napansin ko ang matutulis na yelong umabot hangang sa kisame. May nakita din akong malalaking halaman na ginagapos ang ilang naka itim na tao. At apoy. Napaka raming apoy at usok.
I was expecting to feel something. I was waiting to feel the familiarity. Yung init sa palad ko kapag nakakaramdam ako ng ibang charm. Yung pakiramdam na para bang may gustong lumabas mula dito. Pero hindi nangyari yun.
Nagtaka ako. May humawak sa mga balikat ko. Natigilan ako at napatingin sa pares ng mga matang halos hindi makapaniwala nang makita ako. Lumuhod ito sa harap ko at bigla akong niyakap.
"OH MY GOD. ARIELA!"
There's something in her voice that made me think na kanina pa siya nagpipigil ng iyak. Ilang segundo kami sa ganung position sa sahig. Hindi niya ako gustong bitawan. Tiningnan ko siya. Umiiyak siya. Pinahid niya ang mga luha niya nang mapansing nakatitig ako. Saka siya natawa.
"Sorry. Akala ko hindi na kita makikita."
Pinagmasdan niya ako nang nakangiti. Pero agad nawala ang mga ngiti niya nang tingnan niya ako mula ulo hangang paa. Napatingin siya sa mga nakabukas na palad ko. Saka niya biglang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Bakit." Natigilan siya at muli akong tiningnang na puno ng takot. "Bakit ka nag fe-fade Ariela?"
Tiningnan ko siya na nagtataka. Hindi ko alam ang tinututukoy niya. Sinubukan kong pagmasdan ang mga braso ko. Natigilan ako nang mapansin na masyado itong maputla. Para bang kulay usok ito at nagiging malabo sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Charm Academy School of Magic
FantasyShe is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is...