SORRY GOES A LONG WAY..
Still MARCH 10, 2013
LESTER’S POV
“Ano na kaya nangyayare sa loob?” tanong ko kay katsumi
Nandito kami ngayon sa terrace
Tuloy lang sa paginum nasa loob pa rin sina kai at dee
“tol, kayo sa tingin niyo kung kayo nasa sitwasyon ni dee, babalikan niyo pa ba si kai?” tanong ko sa kanila
“lam mo kasi hindi naman ganun kadali pakawalan ang mga bagay na NAKASANAYAN mo na, malay mo mahal pa ni dee si kai, pero possible din na baka madala lang siya ng NAKARAAN” sabi ni katsumi
“anu ibig mo sabihin?” tanong ko kasi ang labo ng sinasabi ni katsumi
“simple lang, alam mo minsan kasi pag dating sa mga past natin, hindi natin alam kung MAHAL pa ba natin sila oh-- yun lang talaga ang nakasanayan natin na maramdaman, may pagkakataon na we are just in love with the THOUGHT of being in love” pagpapaliwanag sa akin ni katsumi
“may point si katsumi, tol, kasi sa tagal nila ni kaileen possible din na maging reason ang “sayang kasi ang tagal na natin” which is hindi dapat, dahil kung TAGAL din naman ang basihan kung bakit pilit inaayos ng mga “magEX” ang dating relasyon, edi sana lahat nagkakaayos diba?” sabi ni seth