"people play games even though they know they could LOSE
but there are people who leave the game even though they know they could WIN"paano ka pa lalaban kung alam mo naman na iisang bagay lang kapupuntahan ng mga bagay bagay? THE END o DEAD END..
I know for a fact that I am a fighter but why can't I even fight for that one thing that I know is very important to me? Is it because the fight is too much to handle? Or is it because am fighting over my best oponent??? MYSELF
Deinz POV
May 2, 2013
I was quiet unsure on what is about to happen. Natapos na ang inuman nag kani-kanya nang uwe ang mga bisita.Ako naiwan pa ako dito sa bahay nina kai.
" dito na kayo mag palipas ng gabi" sabi ni Mama ni kai
I felt kind of awkward. Dahil nung kami pa ok lang na tabi kami matulog dahil KAMI but now that we dont even have a proper label to what we have. Is it right that I will still sleep on her room?
"Ay ma uuwe na lang po ako" pag papaalam ko.
"Ay naku Dee hindi na delikado lalo na't nakainum ka pa. Jan kana matulog sa kwarto ni kaileen"
Kita ko ang reaction ni kaileen. She stiffen, Kahit naman ako nagulat na kay Mama pa ni kai mangagaling yun. kaya naisip ko na siguro hindi niya alam. at naisip ko na kung sabagay kung anuman ang nangyare sa amin ni kai. That better stay between the two of us. walang dapat madadamay.
"Ahh anu --" aangal pa sana ako nung..
"Tara na pahinga na tayo" yun ang sabi ni kai.
Sinundan ko na lang siya sa kwarto. Pagpasok ko nadatnan ko siyang may hinahanap sa loob ng kabinet.
'walang pinagbago' sabi ko sa isip ko habang nililibot ko ang mga mata ko sa kwarto ni kai.
We shared a lot of memories on this room. Fight-Love-Talks basta marami.
'Nagdala na kaya siya ng ibang lalake dito' yan ang pumasok sa isip ko. Naputol ang pagiisip ko nang mag salita siya ulit.
"Oh eto damit mo. mauna kana maghilamos. may aausin lang ako sa labas" pagkaabot niya sa akin ng damit umalis na siya
Walang sariling Bathroom si Kai one common CR ang meron ang bahay nila. Tinignan ko muna ang mga binigay niyang damit bago ako lumabas. "Aishteru" it was our Couple T shirt ang binigay niya sa akin.
napailing na lang ako. I could still remember kasi nang binigay niya sa akin yun as a gift. She was shy and all. Thats the thing about kai hindi siya showy kaya naman pag sweet yan sulitin mo nang kiligin kasi nga madalang.
natapos ako maghilamos at nakaupo na sa gilid nga kama. tinext ko naman ang mga kasama ko sa apt. na hindi aq makakauwe. "enjoy pare hinay hinay lang" yan pa ang reply ng ugok na si lester. Natatawa tuloy ako bigla dahil alam ko iniisip nila.
Nag FB muna ako tinignan ko lang saglit. Nakita ko naman ang status ni jasmine "No Assumptions If No One give Motivation. Sa tagalog walang tangang ASSUMERA kung walang gagong PAASA"
kunot noo kong binabasa ang post niya at ang unang nagcomment. Si Lester "Simpleng Math lang yan eh ang Buhay parang sayaw na Tango. Nagpartner ang Isang Tanga at Isang Gago" abat bumabanat din ang isang to pero hindi pa natapos dun nag comment din si Marriane "Thats life pag nahulog ka at hindi ka sinalo panigurado sa sahig ang lagapak mo" napaka bitter naman ng mga to.
