CHAPTER 20
MARCH 15, 2013 (Friday)
DEINZ’S POV
Last Shift na bago ang day off I feel so tired pero wala akong magawa kundi ang tumanggap ng tawag galing sa mga customer na hindi marunong magbayad ng kanilang mga bills.
It sucks to have this job, akala lang ng iba madali but damn it’s not. All of the glamour of this job is just a mask. For beneath it is pressure na lalong nagpapagulo sa isip ko sa kung anuman ang meron ako ngayon.
@breaktime
“grabe inaantok na ako” sabi ni seth habang hinahalo ang coffee niya sa tumbler
“sinu bang hindi?” sagot ni lester
“yaan niyo na last shift naman na kaya makakapah happy happy na ulit niyan tayo, oh anu shot after shift? Yayain ko ung mga kateam ko gusto niyo?” sabi ni katsumi
“cge cge Sali ako jan” sabi ni lester at seth
“ikaw tol wala ka bang balak sumama sa amin?” tanong ni katsumi
Magsasalita pa lang sana ako na hindi kaso inunahan ako ni lester
“oh bawal tumanggi ang besides yayain ko din si jasmine para naman makabonding din natin siya” sabi niya
Napabunting hininga na lang ako
“oh wag mong sabihin ayaw mo siya kasama? Before ayaw mong sumama ng wala siya oh bakit biglang nagbago ata” sabi ni lester
“walang ganun, pagod lang ako” pagpapaliwanag ko
“iniiwasan mo ba siya?” tanong niya ulit
Umiling naman ako sabay higop sa kape
