Chapter 6

21 4 0
                                    

Kurt's POV

Minabuti ko nalang sumama sa mama ni Candy para puntahan sya sa hospital. Inaapoy raw sya ng lagnat kagabi this is all my fault!
Kung hindi ko sya sinama kahapon sa kadramahan ko edi sana wala sya sa hospital ngayon.

"dito na po tayo" sabi nung taxi driver

Ako na ang nagbayad dahil nahihiya naman ako sa mama ni Candy eh
Tutal kasalanan ko rin naman eh

Pumasok na kami sa hospital at pumunta sa room ni Candy. She look pale tulog parin sya.

"ahm? Mrs. Martinez buti nalang po nadala sya sa dito agad" sabi ko.

"kinumbulsyon siya kagabi, natakot ako nun dahil sya nalang ang kasama ko ang papa at kuya nya nasa Singapore" sabi niya.

"Bakit di nalang po kayo sumama sa kanila?" tanong ko.

"Ayaw ni Candy eh, kahit nung bata pa sya sinasabi ko sa kanya na dun sya mag aral dahil nakapag ipon naman kami ng papa nya. Pero ayaw nya parin"

Tumingin naman ako kay Candy na natutulog.
She look like an angel.
Sa bagay hulog sya ng langit sa buhay ko kundi dahil sa kanya baka di ko na nakayanan ang mga problema ko.

"hindi ka ba papasok iho?" tanong ni Mrs. Martinez

"hindi po, babantayan ko po si Candy rito. This time gusto ko ako naman po ang makatulong sa kanya" sabi ko

"sige, aalis muna ko may pagkain dyan kung sakaling magutom ka" sabi nya at umalis na.

Naupo naman ako at hinawakan ang kamay ni Candy.

Balang araw Candy dadating din yung taong para sayo at alam kong magiging mabuting partner ka sa kanya.
Sana katulad mo si Janeia.

"K-kurt?"

Tumingin ako sa kanya gising na sya napangiti ako bigla.

"Gising ka na!" tumayo ako medyo binangon sya.

"what are you doing here?" tanong nya.

"Aalagaan kita, ako ang may kasalanan kung bakit ka nandyan" sabi ko sabay kuha ng lugaw.

"choice kong samahan ka kagabi Kurt, dahil kaylangan mo ng karamay" sabi nya.

Sinubuan ko sya ng lugaw at ngumiti sya.
Nakakatuwa talaga yung ngiti ni Candy parang kaya nyang baguhin ang mundo dahil sa ngiti nya.

"magpagaling ka wah?" sabi ko sa kanya.

"Opo! Hahahaha" sabi nya.

Ibang klase talaga to ang putla putla na pero nakakatawa parin.
Idol ko na talaga si Candy.

"Oh bat ganyan ka makatingin?" sabi nya sabay ngiti ng konti

"wala lang, hangga talaga ko sayo nagagawa mo pang tumawa sa ganyang sitwasyon"

"Kasi kung malulungkot ka sa ganitong situation, eh ano pang mangyayari sa buhay mo?" she chuckled.

Pinakain ko ulit sya.
Nakakatuwa sya kase bawat subo nya ngumingiti sya.

"^__^ tapos na!" natawa naman ako ng konti doon. Nilapag ko sa side table yung mangkok.

"Pasok ka na Kurt aabot ka pa sa third subject, pupunta rin si mama rito mamaya"

"Hindi Candy, dito lang ako eto naman yung time para masuklian ko yung kabaitan mo sakin"

"Hayy naku ang kulit mo talaga Kurt!"

Nagtawanan lang kami.
Basta ngayon I want her to be happy...

~*~

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon