Chapter 8

31 4 2
                                    

Kurt's POV

Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa kama ni Candy.
Kunwari lang ako nanonood pero ang totoo nag iisip ako ng paraan kung pano mapapabalik sakin si Janeia.

"Candy? Bumuo kaya tayo ng banda" sabi ko at in-off ko ang tv.

Naisip ko kasi na baka pag naging sikat ako bumalik sya sakin.
Mahal na mahal ko sya eh :(

"Ha? Anong trip mo sa buhay? Masisira lang pag-aaral natin dyan"

"gusto ko kasing magkabanda eh andyan naman si Luke at si Laisle diba?" sabi ko. Kahit kaming apat lang kakayanin namin nuh.

"Ahm? Sige ^___^"

"Yes! So? Ganito bukas sabihin natin sa kanila tutal walang pasok, mapapagplanuhan natin ng maayos" sabi ko

"Oo nga, magiging sikat tayo yeheeyyy!" sabi nya at tumayo sya't nagtatalon sa kama nya, di nya namalayang nasa gilid na sya at mahuhulog kaya nung na-slide sya umalalay ako.

"aaaaaaaaahhhhhh!" bumagsak sya pati ako kaya bale nakapatong sya sakin at grabe ang bigat nya ang sakit ng likod ko. Inangat nya yung ulo nya at nagkatinginan kami ang lapit ng labi namin sa isa't isa. Yung lips nya pink at kissable ang haba rin ng pilik mata nya.

Kurt ano ba! Ang landi mo na wag mong pagnasahan si Candy

Arrrgh! Ano bang nagyayari sakin

"C-candy m-masakit" sabi ko at tumayo sya. Tinulungan nya rin akong tumayo

"okay ka lang Kurt?"

"yeah, Im fine" I chuckled. Hindi ko pinapahalata na medyo kinakabahan ako.
Napansin ko naman na namumula yung muka nya

"ayos ka lang ba? Bakit namumula ka yata?" tanong ko. Hinawakan naman nya yung muka nya

"ah?eh? Hehehe w-wala baka dahil sa pagbagsak ko hehehe"

Kala ko naman kung napano na sya eh. Kaybigan ko sya and I want to protect her

"Uwi na ko Candy wah hapon na rin baka hinahanap na ko samin" sabi ko att medyo hinimas ko ang buhok ko para ayusin.

Syempre para pogi ako lagi ^___^

"s-sige ingat ka, tara hatid kita sa labas" lalakad na sana sya pero hinawakan ko sya sa braso para pigilan

"Hep! Dito ka lang, kaya kong lumabas mag isa. Magpahinga ka"

"eh ka---"

"Hep! Dito ka lang" sabi ko di ko na sya pinatapos magsalita. Medyo nagpout sya hahaha ang cute!

"Babye na Candy see you tomorrow, I'll pick you up" pagkasabi ko nun ngitian ko sya at lumabas na sa kwarto nya .

Pagbaba ko nandun si tita Jen.

"Tita una po ako, salamat po sa pagkain hehehe ^___^"

"walang anuman iho! Basta babalik ka ulit dito ha?"

"Opo tita"

Tapos lumabas na ko.
Nag abang na ko ng tricycle.

After 5 mins. Nakasakay rin ako

~*~

Pagdating ko sa bahay nakita ko si daddy.

"son, where are you came from?"

"sa bahay po ng kaybigan ko dad" sabi ko. Nakapang opisina si daddy aalis na naman sya. Lagi nalang sya sa office nya yan din ang dahilan kung bakit di kami close.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon