Chapter 21

6 2 0
                                    

Candy's POV

Nakaupo ako sa kama.
Hinatid ako kanina ni Kurt kanina dito sa bahay. Pero ayaw ko makipag-usap sa kahit na sino.

Naiinis ako dahil kay Janeia nag-aaway ang mga kaibigan ko. Pero ang mas masakit dun si Kurt nakita ko ang galit sa mata nya nung nag-aaway sila dahil sinabi ni Laisle na hindi na sya ang mahal ni Janeia.

Naramdaman kong may mainit na umaagos sa pisngi ko.

My precious tears.



Pinahid ko yun.
Ako? Umiiyak? Dahil sa lalaki?
No! Hindi to pwede hindi!

*Candy! May tumatawag sayo sagutin mo na. Candy may tumatawag sayo sagutin mo na. *

Tiningnan ko yung phone ko para malaman kung sino yun.

Calling... Kurt

Hindi ko yun sinasagot.
Bakit ba ganito ang nararamdan ko? I hate this feeling. Baliw na ba ko!?
Ang sakit sakit ng puso ko ngayon dahil sa nangyari kanina. Dahil sa babaeng yun. Dahil...hanggang ngayon sya pa rin ang mahal ni Kurt.
Humiga ako at pumikit.

I'm so scared...
Na baka magising ako isang araw na nahulog na pala ko...

Nahulog ako sa taong di ako kayang saluhin...

~*~

Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Umaga na pala. Tiningnan ko yung orasan ko.
8 am na. Bumangon ako at naghilamos. Wala namang pasok dahil beauty rest nga raw namin para mamayang gabi maganda kami.

Mamaya tugtog na kami.
Di pa naman kami okay lalo na si Kurt at Laisle.
Chineck ko yung phone ko.

21 missed calls

15 new messages.

Yung tawag puro kay Kurt.
Yung text yung 9 yung kanya. Tapos yung 4 gm lang at yung isa kay Laisle.

Laisle
Sorry.

Kurt
Candy? I'm sorry

Di ko gustong mag-away kami ng best friend mo

Galit ka ba? :(

Nandito ko sa labas ng bahay nyo

Uy! Labas ka naman usap tayo

Candy? Hindi ako aalis hanggat di ka bumaba dyan :3

Please Candy

I'm sorry talaga. Baka tulog ka na eh.

Babawi ako promise ko sayo.
Goodnight Candy, uwi na ko see yah. Sa prom :)

Hayst.. bakit parang nanghihinayang ako na di ko to nabasa kagabi?

*bzzzt* *bzzzt*

Nagvibrate yung phone ko. It means may text.

Kurt
Good morning! Magready ka para mamaya, susunduin kita ha? Tc.

Napangiti ako dun. Pano nagawang iwan ni Janeia ang ganitong klase ng tao?
Pinapalit nya si Kurt kay Renz.
Hindi naman matalino, babaero, mahilig tumambay at palaaway.
Kung ako sya di ko iiwan si Kurt.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon