Chapter 20

8 1 0
                                    

Candy's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nagtampo sakin si Laisle. Ilang raw nya na kong di pinapansin :(

Pag lalapit ako sa kanya lalayo sya. Pag practice naman ng banda napakaseryoso nya hindi na nya inaaway si Luke.
Nagtampo talaga sya sakin.
Napabuntong hininga ko.

"ang deep wah" sabi ni Kurt nasa band room kami dahil bukas na ang prom at bukas di na kami papasok ng umaga.
Beauty rest.

"wala to, nagtatampo pa rin kasi sya eh"

"sorry talaga wah? Di ko alam na matampuhin pala yun kung alam ko lang eeh"

"nasaan na kaya sila? Para makapag start na tayo bukas na to eh"

"maya-maya siguro 6:30 palang eh"

Oo nga pala. Sinusundo ako ni Kurt lagi samin. Actually ayaw ko nga eeh kasi nakakahiya na. Minsan kasama nya yung driver nya kasi pinapagalitan ko sya pag sya lang nagdadrive dahil 15 palang naman sya eh.

Maaga kami pumasok ngayon kasi nga para makapaghanda last practice na to eh. First time tutugtog ng IS4 bukas nakakakaba.

"Candy?" tiningnan nya ko. Parang iba yung nakikita ko sa mata nya. Nakangiti sya pero iba yung sinasabi nung mata nya.

"why?"

"please help me" sabi nya. Napakunot naman ang noo ko. Ano bang problema nya?

"saan? May problema ka ba?"

"help me to...move on"

Kita ko sa mata nya ang lungkot.
Kala ko nung nakaraan okay na sya, sa bagay ikaw ba naman saktan ng babaeng minahal mo eh.

"Kurt... ikaw lang naman ang makakatulong sa sarili mo eh, kung gugustuhin mo syang kalimutan magagawa mo kahit walang tulong ng iba"

"tama ka, thanks dabest ka talaga!" sabi nya at tumugtog sya ng gitara.
Binuksan ko naman yung libro na binabasa ko. Pero kunwari lang ako nagbabasa.

Kurt's POV

"Kurt... ikaw lang naman ang makakatulong sa sarili mo eh, kung gugustuhin mo syang kalimutan magagawa mo kahit walang tulong ng iba"

"tama ka, thanks dabest ka talaga!" tinugtog ko ang gitara ko.

Kaya ko nga ba magmove on?
Humingi ako ng tulong kay Candy kasi baka sakaling mawala yung sakit na nararamdaman ko eh para di ko na hanapin si Janeia, para di ko na kailangang gawin ang bagay na ayaw kong gawin para lang bumalik sya.

Alam kong mahal pa ko ni Janeia. Mahal nya pa ko.
Napailing nalang ako.
Nagstrum ako, mas gusto ko nalang kumanta para di ko na maisip yun.

" Yeah-eh-heah
you are, my fire,
the one, desire,"

Tiningnan ko si Candy, busy sya kakabasa dun sa nobela nya.
Kakaiba talaga tong babae na to, si Janeia kasi pag narinig na kumanta ako tinitigil nya lahat ng ginagawa nya.

"believe, when I say
I want it that way

But we, are two worlds apart,
can't reach to your heart,
when you say,
that I want it that way" tumingin ako sa gitara ko. Pumikit ako at kumanta, para kasing nasa ibang mundo ko dahil sa music eeh.

"Tell me why,
ain't nothin' but a heartache,
tell me why,
ain't nothin' but a mistake,
tell me why,
I never wanna hear you say," dumilat ako at napansin kong nakatingin sya sakin. Ngitian ko nalang sya.

"I never wanna hear you say,
I want it that way..."

"naks! Pusong-puso wah" pang-aasar nya.

"Hahah! Sira ka!"

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon