Chapter 25

5 0 0
                                    

Candy's POV

Nagising ako sa isang abandonadong lugar. Napakadilim dito nakakatakot.
Pag nalaman ko talaga kung sinong may kagagawan nito sasapakin ko sila!

*iiiiinggk* (tunog ng pinto)

Tiningnan ko kung sino ang pumasok mga lalaking nakamask.

"gising na pala ang prinsesa ng mga Martinez" sabi nung parang pinaka leader nila.

"sino kayo!? Bakit nyo ko dinala rito? Nasaan si mama!?"

"ang mama mo? Hahaha. May bobo rin pala sa pamilya ng Martinez" sabi nya at nagtawanan sila.

Tumayo ako at sinapak ko ang leader nila. Sa sobrang galit ko di ko na sila sinasanto.

"matapang ka ha!?"

*pak!!*

Sinapak nya ko at naging dahilan yun para matumba ko. Naramdaman ko ang dugo sa labi ko.

"wala samin ang mama mo, wala naman kaming mapapala sa kanya eh, basura lang sya. Pero sayo, malaki ang mapapala namin pag nalaman ng tatay mo na hawak ka namin"

What? Anong kinalaman ni papa dito? Bakit siya nasali?
Anong basura si mama?

"curse you!! Anong kailangan nyo samin!?"

"well, isa lang naman kayo sa mayamang pamilya dito sa bansa. Lalo sa Singapore, ang tatay mo ang nangunguna. Kaya pinabagsak nya ang kompanya ni boss!"

Mayaman? I know may company kami pero yung sobrang yaman? Duh! Hunghang ba sila.

"idiot! Simpleng company lang ang meron kami. A publishing company. Meron namang mas mayayamang tao bakit ako pa! FYI sa public lang ako nag-aaral!"

"marami ka pa ngang hindi nalalaman tungkol sa pamilya mo!" after nyang sabihin yun ay may idinial sya.
Tinalian naman ako nung dalawa.

"ano ba! Bitawan nyo ko!! Mga unggoy!" Dinuraan ko sila at sinapak naman ako nang isa sa kanila.
Potek! Nakakarami na sila wah!

"oh hello Mr. Martinez" sabi nung leader nila at tumingin sakin.

"papa!!! Papa!!" sigaw ko habang tumutulo ang luha ko.

"yes, mr. Martinez your lovely princess. So? Ibibigay mo na ba ang gusto ni boss?"

Ano ba kasing sinasabi nila?
I want to go home! Gusto ko malaman lahat! Pero pano?

"kausapin mo ang tatay mo" nilapit sakin yung phone.

"princess?" tumulo ang luha ko.
Nakakatuwang tinawag nya ko ulit na princess pero dapat nga ba kong matuwa na sa gantong kalagayan ko lang ulit sya nakausap?

"pa? Ano bang nangyayari? Bakit nila ko kinuha? Pa, ayoko dito. Please get me out of here"

"yes, princess makakaalis ka dyan. Akong bahala anak"

Kinuha na yun nung leader nila at lumabas na. Ako naiwan dito.
I'm so scared. Sinong sasagip sakin dito?

Naalala ko yung phone ko. Kinapa ko sa bulsa ko at nandito pa to. Kahit hirap na hirap ako dahil nakatali ako sa silya. Sinubukan kong kunin to.

Ayyyy! Potek! Nalaglag pa. Nakatali rin ang mga paa ko.
Wala na kong nagawa kundi ang umiyak.
Paano na? Tsk. Sinong tutulong sakin dito eh ni hindi ko alam kung nasaan ako.

Naguguluhan ako. Ngayon ko lang nakausap si papa at halatang nag-aalala sya. Errrrr!! Kailangan kong gumawa ng paraan. But how?

I just close my eyes. Hinintay ko nalang na antukin ako.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon