Chapter 13

21 4 3
                                    

Janeia's POV

Pumasok ako ng maaga ngayon para makapangopya ng assignment.
Nakarinig ako ng kumakanta

Tapos nakita ko naman na ang grade 9- A eh halos kinikilig.
So, sumilip ako sa bintana and I saw them!
Si Kurt at Candy! Magkalapit ang muka nila. Si Candy lang ba ang ipapalit nya sakin? Huh! Tingnan natin Kurt Jiro. Kung ginagawa mo lang to para pagselosin ako, you're wrong!

I will win this game! Alam kong ako parin ang mahal mo...

Kurt's POV

Nakita namin si Janeia.
She's looking at me, pero binigyan ko sya ng ngiting mapait.

Kung nakita man nya yung kanina, Im sure magseselos sya. The way she looking at us alam kong nagselos sya.

"Kurt" napatingin ulit ako kay Candy.

"pabayaan mo sya, ayusin nalang ulit natin tong mga upuan" sabi ko at sinimulam ko ng ayusin yung ibang upuan pero si Candy nakatayo parin. Habang yung iba naming kaklase tinutulungan ako.

Nang maayos na namin ang upuan nagsidatingan narin yung iba pati si Laisle.

"Good morning guys!" bati ni Laisle samin ni Candy.

"Good morning pre!" sabi ko pero si Candy tahimik parin. Siguro iniisip nya parin yung kanina.

Kinantahan ko sya at sinayaw. Kasi ganun yung gagawin ko para kay Janeia at gagamitin ko ang banda namin. Sasabihin ko rin to sa kanila pero hindi ngayon.

"Are you okay stupid?" tanong ni Laisle.

"Pwede ba!" sabi ni Candy at umirap naman.

Bigla namang pumasok yung teacher namin.

"Good morning class!"

"Good morning ma'am!"-all

Tiningnan ko si Candy bago kami umupo at ngitian nya lang ako. I smiled back.

~*~

Candy's POV

Natapos ang isang subject ng tahimik lang ako. Ewan ko ba feeling ko kasi pinagseselos lang ni Kurt si Janeia, tapos ako lang ang ginagamit nya.

"Huy!" tawag sakin ni Laisle. Tiningnan ko lang sya at inirapan.

"Anong problema?" tanong nya at inakbayan ako.

"wala!" sabi ko at tinabig ko ang kamay nya.

"Huy ano nga?"

"Timothy Laisle Hernandez! Can you please---"

Napahinto ako sa pagsasalita dahil biglang namatay ang ilaw. Brown out yata?

"Nagalit na sayo ang electricity, ang ingay mo kasi" sabi nya ng medyo natatawa.

Hayyst! Anong meron sa araw na to?

"Init naman! Ngayon pa nagbrown out. Yung isa kasi dyan eeh".

Langya talaga tong lalaki na to oh! >.<

Nanahimik nalang ako at nag aral ng mabuti.
Kahit brown-out nagklase kami pero sabi half day lang daw kami ngayon dahil mukang aabutin ng kinabukasan ang brown out.

*Kriiiiiiiiiiiingggggg!!*

Recess time na.
Nagsilabasan na lahat sila. Ako naman nilagay ko yung mga gamit ko sa bag at tumayo na.
Sumunod naman sakin yung dalawa pero di ko sila pinapansin hanggang makarating kami sa canteen.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon