Chapter 14

26 3 0
                                    

Candy's POV

Wow...

"grabe ang daming pagkain!" sabi ni Luke.

May ano ba?
Wala namang may birthday samin ah?

"Candy anong meron?" tanong ni Kurt.

"Ewan ko, kuya ano nga bang meron?"

"ahm? Wala naman, gusto ko lang maghanda kasi bihira lang ako umuwi diba"

Lumabas naman si mama mula sa kitchen.

"Oh nandito rin pala kayo Laisle at Kurt, sino yang isa nyong kasama?" sabi ni mama. Nagkatinginan naman si Laisle at Kurt. alam ko na binabalak ng mga to. HAHAHA!

"Di ko po kilala yan tita!" sabi ni Laisle sabay turo kay Luke.

"Yan po yata yung pulubing nasalubong namin kanina"

"Hoy! Langya kayong dalawa!" inambaan naman sila ni Luke ng suntok.

"Tita! Palabasin nyo po sya! Di po namin sya kilala! Baka po magnanakaw" sabi ni Laisle. Tawang tawa ko sa itsura ni Luke halatang naiirita sya sa dalawa.

"Guys tamana yan. Hahaha" sabi ni kuya.

"Sino ba sya anak?" tanong ni mama

"Sya po si Luke ma, kaibigan ko rin" tumango naman si mama

*dingdong*dingdong*

Oooopps! Andyan na yata ang crush ni Luke. Hihihi! ^__^

"Buksan mo kuya!" utos ko hahaha bakit ba boss ako sa bahay eh :D

"Natulala na naman yung isa dyan" sabi ni Laisle at tumingin kay Luke.

"Hoy Luke! Pwede ba wag yung pinsan ko wah? Di kayo bagay pre" biro naman ni Kurt at nag apir sila ni Laisle.

Ayos pala yung dalawa pag magkasundo eh.
Maya-maya pumasok na si Sandy

My gosh! Pati ako napanganga ang ganda nya talaga. Simple lang yung suot nya, black dress at flat shoes lang pero napakaganda nya.

"Candy laway mo" sabi ni Laisle at pinunasan ang bibig ko. Sira ulo talaga to. Hinampas ko naman sya ng mahina lang.

"Hi guys^__^" bati ni Sandy

"Hello Sandy" bati ni Luke na medyo nagbablush pa. Tsss Bakla lang?

"Ah. Ma?This is Sandy" Sabi ko kay mama

"Ang ganda mo namang bata"

"Thanks po tita" nagbeso beso sila ni mama.

"at kuya? Naaalala mo pa ba sya?" sabi ko kay kuya. Nakita kong kumunot ang noo nya.

"Hi kuya Gino!! (^_^)/" sabi ni Sandy na tuwang tuwa.

"Kuya, sya si Chanchan yung batang pinagtanggol ko noon"

"Ah!! Naalala ko na, grabe you're so beautiful Chanchan mas maganda ka pa kay Harmony"

Siniko ko naman si kuya.
Kapal! Talagang sabihin daw ba yun!
Maganda rin naman ako wah? :3

"naku kumain na muna kayo ng lunch at gutom na kayo"

"Tama! Gutom na po kami!" sabi Luke na nauna ng umupo kesa samin.

Umupo na rin ako pati sila kuya.
Si Luke naman tumayo para iusad yung uupuan ni Sandy. Gentledog naman ni Luke! Hahahaha

"Sweet naman!" sabi ni Kurt.

"Mainggit ka!" sabi ni Luke tska sumubo ng pagkain.

At ayon kumain lang kami ng kumain at nagkwentuhan.
Pag eto mga kasama ko nawawalan ako ng table manners eh.
Napakaingay namin, at tawanan ng tawanan hanggang sa matapos kaming kumain.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon