Chapter 18

5 1 0
                                    

Candy's POV

Maaga akong pumunta sa school ngayon. Wala lang. Trip ko lang

Nagpunta ko sa band room dahil maaga pa naman.

Hinawakan ko yung gitara na ginamit ni Kurt. Naalala ko na naman tuloy yung pag-iyak nya.

Sana ikaw nalang una kong nakilala

Tsk! Naalala ko na naman yun.

"Candy! Bilis punta ka sa garden!" hinitak ako nang kaklase namin. Halos madapa na ko pero takbo parin kami ng takbo.

"sandali ano bang---

Oh........my......... Gee!
Napanganga ko. Oo. Di ako makapaniwala.

Si Kurt, may dala syang flowers
Tapos yung kaklase namin may dalang banner at nakalagay dun...

Will you be my promdate? My Best girl friend?

Tumingin ako sa likod ako kasi baka nagkamali lang sila ng paghila sakin. Baka di para sakin yan.

Narinig kong tumawa si Kurt.

"Oh? Anong nakakatawa?"

"ikaw"

"ah-eh- ano baka k-kasi nagkamali----"

"baliw! Para sayo talaga to"

Toinks. Napakunot lalo. Yung noo ko.
Para sakin?

*dugdugdugdug*

Ano ba namang puso to oh!

"B-bakit?"

"anong bakit?" sabi nya habang natatawa.

"Bakit ako pa?"

"di mo ba nabasa? My best girl friend"

"oh? Eh ano?" sabi ko.

"tss. Matalino ka ba talaga? Ikaw yan. My best girl friend"

Okay. Gets ko naman na weh
Girl na friend.

"gets ko noh!"

"so? Ano na?"

"aarte pa ba ko? Syempre yes!"

Di ko naman ineexpect to eh.
Na ikaw pa yung mag-aaya sakin.

~*~

Laisle's POV

I saw everything


Nakatulala lang ako sa klase.
Naalala ko yung nakita ko kanina.

"hoy Laisle! Pakopya assignment sa math".

Bakit parang ang kirot nun sa puso.

"Hoy Laisle!"

Naiinis ako! Nasayang yung paghahanda ko!

"Laisleeeeeeee!!!"

Nagpantig yung tenga ko sa kasisigaw nya.

"ano ba!? Di mo kayang gawin yan ha!? Mangongopya ka na naman! Mag isip ka naman minsan!"

Medyo nabigla rin ako. Nakatingim samin lahat ng kaklase

Tinignan ko sya.
Paiyak na sya halatang pinipigilan lang nya. Shete! Laisle naman!

"di mo ko kailangang ipahiya, sabihin mo lang kung ayaw mo" tapos lumipat sya ng upuan.

Buong klase di sya tumabi sakin.
Alam kong nagtatampo sya.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon