Candy's POV
Maaga akong gumising ngayon dahil susunduin daw ako ni Kurt ngayon sabi nya kahapon.
Nakaharap ako ngayon sa salamin ko at inaayos ang aking suot. ^___^
Nakawhite dress lang naman ako pero off shoulder sya at nakaflat shoes.
Yung hair ko naman may clip lng sa right side.
Simple pero para sakin mas maganda na toh. Di rin ako nagmemake up, polbo lang.*beeep! Beeep!*
Napatalon naman ako dun, andyan na si Kurt.
Medyo sinuklay ko pa yung buhok ko gamit ang mga daliri ko.Oyy! Si Candy nagpapaganda
Syempre, kailangan maayos ako nuh.
Kinuha ko na ang maliit kong bag at nilagay dun ang phone at wallet ko.Buti nalang nakahingi ako kay mama ng pera kagabi.
Bumaba na ko at nasalubong ko si mama.
"Nak? Mag iingat ka ha? Wag mong isusuko ang ---"
"Ma! Ano ka ba magkikita-kita lang kami nuh." sabi ko.
Si mama talaga kung ano-ano nasa isip. errrrr!
"Hahaha o sige na, lumabas ka na. Take care"
"Yes ma, I will" tapos kiniss ko sya sa cheeks at lumabas na ko.
Pag bukas ko ng gate nakita ko si Kurt na nakasandal sa kotse nya. Ang wafu!^__^
Naka V-neck shirt sya na kulay maroon na bumagay naman dahil maputi sya at tokung na kulay white."finally you're here" sabi nya then he chuckled.
Feeling ko nakatulala ako sa kanya parang ang bagal ng nasa paligid ko.
Biglang humangin at medyo nilipad yung buhok nya sa harap."Candy? Are you okay?"
Para syang prinsipe, grabe palapit sya sakin ngayon at ang puso ko ang bilis ng tibok
*dugdugdugdug dugdugdugdug*
"huy Candy"
Naririnig ko na yata ang tibok ng puso ko ano na bang nangyayari sakin?
"Hey Candy!" hinawakan nya ang dalawang pisngi ko.
Candy! Wag kang lumandi
Kanina ka pa tinatawag ni Kurt!"Hey!" at kinurot nya ang pisngi ko.
"Aray!" dun palang ako bumalik sa reality.
"ano bang nangyayari sayo? Natulala ka na?"
Oh my gosh! Nakakahiya ano ba kasing nangyari sakin.
"Ah eh. Hehehe wala t-tara na"
Sasakay na sana ko kaso nauna sya sakin at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman!
Nang makasakay na kami, medyo nahihiya akong kausapin sya dahil naalala ko rin yung nangyari kahapon.
"ayos ka lang ba talaga?" tanong nya.
"O-oo naman, kanino nga pala galing tong kotse na to?"
"Sa dad ko tuh, tinakas ko lang" sabi nya.
"so? Mayaman kayo? Sosyal wah pero bawal ka pa magdrive diba? 15 ka palang" sabi ko.
"Marunong na ko nuh, tinuruan ako ng mom ko, at oo mayaman kami my dad is a millionare"
O_O medyo nagulat ako, ang kasama ko ngayon anak ng isang milyonaryo. Isang Andrada nga pala to bakit di ko yun naisip noon?"
"eh bakit sa Malaya ka nag-aral? bakit hindi sa mga sikat na Academy?"
"dahil ayokong makisalamuha sa kanila, I want to live a normal life. Yung hindi mo kailangang makipagkompitensya, yung malayo sa gulo, yung walang special treatment dahil anak ka ng isang mataas na tao. In short gusto kong mamuhay na katulad ng mga simpleng tao"
BINABASA MO ANG
Where do I Find The Meaning of Love?
Teen FictionKwento ito ng isang babaeng naghahanap ng ibig sabihin ng "LOVE" Pero kung kailan nahanap na nya ito tska naman sya iniwan ng mga taong nagbigay kahulugan dito. Kaya yun ang dahilan kung bakit sya nagbago. Can love change her again? Can love bring h...