Chapter 16

12 2 0
                                    

Candy's POV

"oy Kurt! Anong ginagawa mo dito sa garden?" sabi ko humarap naman sya sakin may dala syang isang rose.

"Para kay Janeia ba yan? Tara andun sya" hinila ko sya pero pinigilan nya ko.

"No, hindi to para sa kanya"

"ha?" medyo kumunot naman yung noo ko.

"This is for you" inabot nya sakin yung rose kinuha ko naman to.

"W-wait di ko maitindihan Kurt bakit---"

"Dahil mahal kita! I love you Candy" lumapit sya sakin as in super lapit .

"I love you Candy Martinez, will you be my girl----"

*booooogsh*

"araaaaay!!" napahawak ako sa ulo ko. Nahulog ako sa kama.
Panaginip lang pala! Akala ko naman totoo na eh.

Uyy, gusto nyang totoo nalang.

Hindi ah! Tsss. Bat ko ba napaginipan yun.
Tumayo na ko at pumsok sa cr hahatid pa namin si kuya sa airport eeh

After 45 mins. Nakapag ayos na rin ako. Maghahalf day lang ako ngayon. Magpapractice kami mamaya sa school nung banda.

Lumabas na ko at bumaba.
Nakita ko si kuya na nakaayos na. Ang pogi talaga ng kuya kong to eh

"Hey princess! Tutulala ka nalang?" tsss. Epal bumaba na ko at dumiretso kay kuya at hinawakan ang t-shirt nya.

"Medyo matino ka ngayon kuya wah" biro ko.

"Pogi kamo"

"may girlfriend ka na nuh?"

"wala pa, pero hintayin mo lang" sabi nya at medyo natawa naman ako dun.

"o tara na mga anak" sabi ni mama. Sumakay na kami ng kotse ni kuya.

Tahimik lang ako habang nasa byahe, aalis na naman si kuya wala na namang mag-aadvice sakin.

"Tahimik mo" sabi ni kuya. Tumingin naman ako sa kanya at ngitian sya.

"kelan kaya ulit tayo magkikita kuya?"

"ahm? Uuwi ako sa graduation mo nuh" napangiti naman ako dun kaso next year pa yun eeh

"Tagal pa. Eh si papa ba? Namimiss nya ba ko?" tanong ko kay kuya.

"Oo naman, busy lang talaga sya princess" nagpout naman ako. Kelan ko kaya makakasama ulit si papa?

"we're here" sabi ni mama.

Bumaba na kami at pumasok sa loob. Naku alam ko na tong eksenang to wah.

"*sniff* anak? Mag iingat ka dun ha? *sniff*" sabi ni mama

Sabi na eeh, kabisado ko na yung gantong eksena ni mama. Lagi syang ganyan tuwing aalis si kuya.

"Ma, opo" sabi ni kuya na medyo natatawa rin katulad ko.

"aalagaan mo ang papa mo dun, sabihin mo miss ko na sya" sabi ni mama at niyakap si kuya.

Hayy ang drama ni mama.
Parang di pa nasanay.

"Princess" lumapit sakin si kuya at niyakap ako.

"kuya?" para namang naluluha ako ngayon.

"ingatan mo yung sarili mo, ikaw na bahala kay mama" bumitaw na kami sa isa't isa.

"oo kuya, promise"

"when you fall for someone, wag mong kontrahin ang puso mo. Just follow." sabi ni kuya at ngitian ako.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon