Chapter 5

20 4 0
                                    

Candy's POV

Hinila ko palabas ng gate si Kurt at iniwan namin yung dalawa.

Nang makalabas na kami ng gate hinila ko parin sya at sya sumusunod lang hanggang sa nakarating kami sa park.

Binitawan ko na sya at nakayuko parin sya.

"a-ng sakit s-akit" sabi nya kasabay ng pagtulo ng luha nya.

Nakita namin si Janeia na may kahalikang iba, kaya nagkakaganyan si Kurt.

"I thought she love me *sniff*" tumakbo sya bigla palayo

"Kurt!" sigaw ko pero di parin sya humihinto.

*bwussssssssssssh!* (buhos ng ulan*

Ayyyyyy! Leche bat ngayon pa umulan. Hinahabol ko parin si Kurt kahit ang labo na ng paningin ko dahil sa ulan.

"Kurt! Please st---- araaaaayy!"

Ang sakit nadulas ako T_____T
Yung ulan naman kase eh sinabayan pa yung drama ni Kurt! Basang basa na ko buti nalang yung bag ko medyo makapal.

"bakit mo ba kase ko sinundan!" tinulungan akong tumayo ni Kurt, akala ko nakalayo na sya kanina pero bumalik sya.

"I'm sorry Kurt pero kailangan kitang damayan ngayon" sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng hatakin nya ko bigla at yakapin.
Feeling ko namula ko, at ang init kahit umuulan.
My heart beats faster, anong nangyayare sakin?

"*sniff* buti ka pa*sniff* lagi kang nandyan *sniff* pag kailangan kita*sniff*" niyakap nya pa ko ng mas mahigpit.

I hugged him back, alam kong he's in pain now at kaylangan nya ng masasandalan.

~*~

7:00 pm na pero nandito parin kami sa park wala ng ulan.
Di kami nag uusap tahimik lang sya ngayon at tulala
Pinabayaan ko muna sya ng makapag isip sya.

"hatid na kita Candy" sabi nya at tumayo na sya at naglakad sumunod naman ako sa kanya.

Ang tahimik habang naglalakad kami, walang umiimik

Nang makarating na kami sa tapat ng gate namin doon palang sya nagsalita.

"Salamat talaga Candy ha?" sabi nya ng nakayuko.

Hinawakan ko ang baba nya at tinaas yun ng makaharap ko sya.

"ganun naman ang magkakaibigan eh nagtutulungan at nadadamayan ^_^" sabi ko sa kanya

"Balang araw masusuklian ko rin yang kabaitan mo" sabi nya. At ngumiti sya.

"gusto mong pumasok sa loob?"

"hindi na,sige pumasok ka na at magpalit basa ka parin eh" sabi nya

"Ok, bye ingat ka ha?" pagkasabi ko nun ngumiti sya at naglakad na palayo.

Pumasok na ko sa loob ng bahay
Masyadong nakakapagod ngayon eh.

"San ka galing bata ka!?" nagulat naman ako sa sigaw ni mama.

"ah sa bahay po ng kaklase ko gumawa ng assignment" patay ako nito ngayon

"bakit basang basa ka!"

"eh nabasa po kase kami nung umulan eh. Magbibihis lang po ako" sabi ko kay mama.

"bilisan mo! Baka lagnatin ka!" sabi ni mama

Umakyat na ko sa kwarto ko at nagpalit,
Yung mga notebook ko tinapat ko sa electricfan dahil basa.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon