Chapter 15

19 3 1
                                    

Dedicated to _Nylewen

Candy's POV

Inaalala ko kung ano ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Lagi naman akong masaya eh. Pero ewan ko ba? Nung nakilala ko si Kurt, mas naging masaya ako. O talagang ganun lang dahil nadagdagan ang kaibigan mo?

"Candy ano na?" sabi ni Sandy.

"Ahm. Ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.... nung nakilala ko kayo, dati kasi si Laisle lang kasama ko eh syempre nakakasawa yung muka!" sabi ko at medyo umirap. Tinawanan naman nila ko.

"eh lagi ka namang masaya eeh" sabi ni Kurt. Tiningnan ko naman sya at ngumiti.

"Oo, lagi naman akong masaya eh wala kasing dahilan para maging malungkot. Pero kung may malungkot man, siguro yun yung pag nakikita kong may nasasaktan sa mga taong malapit sakin."

"Never ka pa bang nainlove?" tanong ni Sandy.

"Ahm. Oo never pa "

"Why?" tanong naman ni Kurt.

"wala nagmamaganda lang yan!" sabi naman ni Laisle. Inirapan ko lang sya.

"masaya naman maging single, di naman kailangang nasa relationship ka para sumaya dahil sa kaibigan palang naman sobra-sobra na" sabi ko at hinawi ko yung buhok ko.

"Do you believe in love?" tanong ni Kurt.

"Yes, I still believe in love. Sadyang hinahanap ko palang talaga yung taong magbibigay ng totoong kahulugan nun"

"Alam nyo kasi minsan you don't need to find what is love, puso mo lang naman ang makakapagsabi nun. Di rin dapat hinahanap ang love kasi lalong di magpapakita. Hayaan nyong love ang humanap sa inyo."

Lakas makadrama ni kuya wah
Pero may point naman sya eeh.
Expert lang?

"dapat ang love pinaglalaban" sabi ni Kurt

"Pero hindi sa lahat ng sitwasyon kailangan mong magpakabayani, sometimes you need to let go. Tulad mo insan bakit mo pa hahabulin yung ex mo ? Eh sya nga ang nang-iwan eeh" sabi ni Sandy sabay irap.

"Mahal ko eh" sabi ni Kurt.

"Tsss. Stupid boy!" pang-aasar ni Sandy.

"Bagay kayo nito ni Candy, stupid rin HAHAHAHA" sabay tawa ni Luke. Binatukan naman sya ni Laisle.

"naku, ang babata nyo pa tsaka wag si Harmony dahil pag may nanakit dyan sasapakin ko" sabi ni kuya at sinuntok suntok ang palad nya.

"Wala kong balak kuya, don't worry. Mas okay na single nalang ako"
                          ~*~

Nagkwentuhan nalang kami hanggang abutin ng hapon.
Tutal wala namang magawa eeh

"ahm. Guys I need to go na, hapon na rin eeh" sabi ni Sandy.

"ako rin Insan, sabay na tayo" sabi ni Kurt at kinuha ang bag nya.

Si Laisle at Luke naman ayun nag-aasaran parin at nabubugbugan.

"hoy kayong dalawa umuwi na kayo!" sigaw ni Sandy sa kanila at nagsitayo na rin.

"tara hatid ko na kayo, kuya ayusin mo tong kwarto ko ha!" sabi ko kay kuya at napakamot naman sya ng ulo.

"tsk. Okay" lumabas na kaming lima at nagpaalam rin sila kay mama.

Nang makarating kami sa gate medyo nagpahuli si Kurt at yung 3 nag aabang ng taxi.

"Pasensya na talaga Candy kanina wah"  sabi nya.

"wala yun. Ayos lang" sabi ko at ngitian sya.
Hinila nya naman ako at niyakap.

"I'm so lucky to have you. I'm sure swerte rin yung lalaking mamahalin mo"

*dugdugdugdug*

Parang lumakas yung tibok ng puso ko. Pero parang tumigil din bumabagal yata ang oras ngayon di ko rin makita yung nasa paligid ko.
Bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin.

"tulala ka na naman" .

Parang sya lang ang nakikita ko.
Bakit ganun? Ang bagal ng galaw ng nasa paligid ko.

"Una na ko, ayun na taxi bye!"

Dun palang ako natauhan nung tumakbo na sya. Nagwave nalang ako sa kanila.

Bumalik ako sa kwarto ko para magpahinga.
6:30 na pala, busog pa naman ako eeh matutulog nalang siguro ko baka sakaling mawala yung kaabnormalan ko.

Humiga na ko at pumikit.
Naramdaman kong medyo gumalaw yung kama ko.

"D'you like him?" napabangon naman ako.

"kuya? Anong ginagawa mo rito, matutulog na ko" sabi ko.

"Gusto mo sya no?"

"What!? Sinong sya? Alam mo kuya nahihibang ka na" sabi ko at nahiga ako sabay talukbong ng kumot.

"Nakita ko kanina Princess, nung niyakap ka nya. Alam kong iba ang naramdaman mo nun"

Bumangon ulit ako at hinarap si kuya. Napakakulit kasi eh tska ako? Magkakagusto kay Kurt? Malabo! Eh ano bang alam ko sa ganyan.

"Kuya! Hindi nga sinabi tska ano bang alam ko sa ganyan. In fact tinutulungan ko pa nga sya para magkabalikan sila ng ex nya eeh"

"Napagdaanan ko na yan, kaya alam ko yan. Oo, sabihin na nating tinutulungan mo sya pero habang ginagawa mo yun di mo namamalayan na nahuhulog ka na sa kanya. Ginagawa mo yun dahil gusto mo syang mapasaya"  sabi ni kuya.

Eerrrrrrrrr!! Lalo tuloy gumulo yung isip ko >.<

"Tinutulungan ko sya dahil kaibigan ko sya, nothing more nothing less"

"okay, bantayan mo yang puso mo. Kasi baka di mo namamalaya unti-unti na yang nadudurog ng di mo alam" pagkasabi nya nun.
Ginulo nya yung buhok ko.

"kuya naman eh!" sabi ko sabay irap.

"dalaga ka na. Dati ikaw lang yung batang hinahabol ko pa dahil ayaw mong maligo, magpapabili ng ice cream na chocolate flavor, iiyak pag di nakuha yung gusto at di matutulog pag di binasahan ng kwento." 

Tumulo naman yung luha ko.
Naalala ko yung time na lagi kaming nag-aasaran ni kuya.

"bilis ng panahon noh Princess? Sa susunod nyan. Magkakaboyfriend ka na mararanasan mo na ring lumuha at masaktan"

"Lumuha? Masaktan? Why? Alam mo kuya kung yan lang din ang kapalit ng pagmamahal wag nalang" sabi ko. Ngumiti naman si kuya

"Love is to take a risk, minsan nga kahit nasasaktan ka na ayos lang makita mo lang na masaya yung taong mahal mo"

Parang sugal pala ang love.
Eh di ba masama yung sugal? So ganun din yung love?

"Hay naku! Ewan ko sayo kuya." tapos medyo natawa ako.

"basta princess, pag nainlove ka na sabihin mo sakin ha? Para alam ko kung sino uupakan ko pag pinaiyak ka nya" tumayo si kuya at ngumiti ulit sakin.

"Don't worry ikaw unang makakaalam" sabi ko.

"sige na matulog ka na"

Humiga na ko at kinumutan ako ni kuya.

Lumabas na sya ng kwarto ko.
Mamimiss ko na naman sya.
Aalis na sya bukas eeh.

Pumikit na ko.
Tatakasan ko na naman ang reality. Hello dreamland.

~*~

Jewel eto na ha? :)
Thankieee :* 
Naiinspire ako dahil sayo :)

Sa inyo rin ^___^
God Bless :*

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon