Candy's POV
" what is love? Panu mo malalamang inlove ka na?" tanung ko sa lalaking nasa harap ko.
Unti unti nyang nilapit ang muka nya sakin. Ramdam ko na ang hininga nya
"Love is----"
*Triiiiiiiiiiiiiinggggggggg*
Napabangon ako bigla dahil sa tunog ng alarm clock ko.
Hayst! Grabe naman yung panaginip kong yun. Lagi kong napapanaginipan yun eh di naman natutuloy.
Bumangon na ko at pumunta ng banyo. Antok na antok pa ko pano kase 12 na ko nakatulog dahil kay Kurt!
**flashback**
Inaccept ko na ang friend request ni Kurt. Kilala ko naman sya di nga lang kami close masyado ? Ewan ko ba, New year lang ang naaalala ko at ang kaybigan kong kasama noon ay si Laisle
Kurt Jiro Andrada: Oi?
Aba! Minessage pa ko at maka oi wagas! Feeling close lang?
Mareplyan ngaCandy Martinez: bakit?
Kurt Jiro Andrada: Wala lang, sorry talaga kanina nabangga kita wah? Nagmamadali rin kase ako.
Candy Martinez: ok na nga diba? Kulit wah!
Hayyy naku, ulit ulit lang tong lalaking to eh kutusan ko kaya to grrrrr!
Kurt Jiro Andrada: pasensya na ha? Ahm Candy? Pwede ba kong humingi ng tulong sayu?
Candy Martinez: sure.
Kurt Jiro Andrada: anu pwedeng iregalo sa girl pwede mo ba ko samahan bukas?
Ha? Sira ulo ba sya? Di nga kami close eh. Baka mamaya pagsamantalahan nya pa ang beauty ko! Oh no!
Hayy naku assuming ka talaga Candy! May girlfriend yung tao.
Sa bagay oo nga naman? Sige na nga muka namang mabuting tao yun eh.
Candy Martinez: Ok sige ba? Basta libre mo ko wah?
Kapal ko ba? Eh ganun talaga hahaha minsan lang naman eh
Kurt Jiro Andrada: Ok no problem!
At ayun nagkwentuhan kami hanggang sa antukin.
**end of flashback**Pagtapos kong magbihis bumaba na ko at kumain.
"anak? Gusto mo bang sa June lumipat ng private school? Maayos na naman ang kita ng papa mo sa abroad eh" sabi ni mama
Uhm? Lilipat pa ba ko? Panu si Laisle ayoko namang iwan yun dun sa Malaya eeh.
"wag na po ma, one year nalang naman eh" sabi ko.
"Okay ikaw bahala" sabi ni mama.
*Candy! May tumatawag sayo sagutin mo na. Candy may tumatawag sayo sagutin mo na. *
(Ringtone ko yan nirecord ko ang boses ko.)Calling... Laisle
Sinagot ko na ang tawag nya tyak sesermonan ako nito.
"Hello Laisle"
"bakit wala ka pa? Anung oras na?!" Sabi nya. Tinignan ko yung orasan ko
"7:10, wala ka bang orasan!?" pasigaw na sabi ko. Aba! Hindi lang sya ang pwedeng sumigaw nuh.
"Umayos ka! 7:30 start ng klase tapos andyan ka pa sa inyo!"
"eh anu naman sayu? Bat ba ha?" tumayo na ko at lumabas para mag abang ng tricycle
![](https://img.wattpad.com/cover/81405646-288-k891724.jpg)
BINABASA MO ANG
Where do I Find The Meaning of Love?
Roman pour AdolescentsKwento ito ng isang babaeng naghahanap ng ibig sabihin ng "LOVE" Pero kung kailan nahanap na nya ito tska naman sya iniwan ng mga taong nagbigay kahulugan dito. Kaya yun ang dahilan kung bakit sya nagbago. Can love change her again? Can love bring h...