Chapter 27

6 0 0
                                    

Candy's POV

"talaga? Hahahaha!" nasa kotse kami ngayon at pauwi na. Kinekwento nya sakin yung batang kasama nya kagabi.

"kaso napakakulit! Ayoko pa naman sa makulit" tapos ginulo nya ang buhok nya.

"anong pangalan nya?"

"ahm? Ano nga ba yun? Tsk. Nakalimutan ko na eh"

"bakit mo naman kinalimutan? Gusto ko syang makilala eh"

"hayaan mo na, makikita pa ulit natin sya"

"we're here" sabi ni mama. Bumaba naman kami at inalalayan ako ni Kurt.

Naunang pumasok sa gate si mama dahil may dala sya. Yung driver naman ni Kurt pinauwi nya na kasama ang kotse nila.

"Candy! Candy! Namiss kita!" napalingon naman kami sa lalaking mukang tanga na nagtatalon at bigla kong niyakap.

"aray!" dahil natamaan nya ang sugat ko.

"Luke! Bumitaw ka nga, di pa magaling sugat nya eh!" bumitaw naman si Luke sakin.

"anong namiss!? Eh inuuna mo pa ngang kumain kesa sabihin na nakidnap ako! Peste ka!" tsaka ko sya binatukan. Dahil kinwento sakin ni Kurt yun. Pero salamat pa rin at sinabi yun ni Luke kahit pa inuna nya yung tyan nyang gutom.

"syempre gutom ako, pano ko mapapaliwanag ng maayos yun?" piningot ko naman sya.

"araaaay! Nakakarami ka na ha!?" natawa nalang kami ni Kurt at pumasok na kaming tatlo sa loob.

Nasa kwarto kami at si Luke nanginginain ng marami. Patay gutom talaga to.

"si Laisle nga pala?" tumingin sandali sakin si Kurt na nasa sofa at nagtitingin ng magazine.

"ewan ko? Di ko pa ulit sya nakikita eh, bakit? Miss mo?"

"syempre! Best friend ko yun eh pwede mo ba syang tawagan? Papuntahin mo sya rito please, Luke"

"fine" dinukot nya ang phone nya at dinial ang number ni Laisle.

"Hello pre? Nandito kami sa bahay nila Candy, tara?... ganun ba?... sige na pre! Miss ka na raw ni Candy.... okay hintayin ka namin"

"o ano raw?"

"he will come"

"yes!! Ouch " medyo masakit pa rin kasi ang katawan ko pag iginalaw

"are you okay?!" tumakbo si Kurt papunta dito sa kama at hinawakan ang braso ko.

"woh,woh, Makaasta parang boyfriend lang?" tiningnan naman sya ni Kurt ng masama.

"shut up Jerk!"

"I'm okay Kurt, kalma lang ha?"

Bumalik sya sa sofa at hinawakan muli ang magazine ako naman nanood ng tv.

"pre!" napatingin kami sa pinto dahil niyakap ni Luke si Laisle.

"errr Luke!" nairita naman si Laisle sa kanya at bumitaw na rin sya.

Pinilit kong tumayo at medyo masakit parin ang katawan ko. Nakita kong tumayo si Kurt at nag-aalala pero tiningnan ko sya at tumango ako para sabihing ayos lang.
Tumakbo ako at niyakap si Laisle.

"I missed you" pumatak naman ang luha ko dun.

"I love you" bumitaw ako at humarap sa kanya.

"I love you too" pinunasan nya ang luha ko. Namiss ko ang I love you nya sakin. Pag sya ang sinasabihan ko nyan di ako naiilang dahil alam kong pure friendship ang meron kami.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon