Chapter 17

6 1 0
                                    

Laisle's POV

Pinapanood ko sya habang kumakanta.
Yung kanta nya tagos sa puso at ramdam talaga.
Yan ding kanta na yan yung gusto kong sabihin sa taong mahal ko eeh.

After nyang kumanta.
Di ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya.
Niyakap din nya ko.

"Ehem! Ba yan! Hokage sa bestfriend nya!" sabi ni Luke.

Bumitaw na kami sa isa't isa at tiningnan ko ng masama si Luke.

"lol! Tumahimik ka! Yan kasi yung kantang gusto ko ring sabihin sa taong gusto ko eh" tumingin ako kay Candy at nakakunot na ang noo nya at halatang nagtataka.
Sasabihin ko naman sa kanya kung sino eh.

"Pre, sino ba yan?" tanong ni Kurt.

"Oo nga! Daya mo kelan sasabihin samin" pag-iinarte ni Candy.

"Calm down okay? Sa prom ko sya ipapakilala okay?"

"Sus, pangit siguro yan nuh?" sabi ni Luke

"Pangit mo muka mo! sya ang pinakamaganda para sa'kin, she's perfect"

"woh ayuuuuun oh! Naks pre pumapag-ibig kami nalang yata ni Candy ang walang forever dito" sabi ni Luke habang pumalakpak.

"Meron ka kaya Luke! Si Sandy" sabi ni Candy

"Tsk, pwede ba Luke tigilan mo si Insan ko tska umalis na sya ulit noh!" sabi ni Kurt at hinawakan na ang gitara nya.

"Tara practice pa tayo" sabi ko. At nagsimula na ulit kami.

                          ~*~

Candy's POV

Napractice lang kami hanggang matapos yung time ng klase namin. Nagpaalam naman kasi si Laisle. Iba talaga pag malakas sa teacher.

Tutugtog daw kami sa prom.
Oo nga pala malapit na yun pero wala pa ring nag-aaya sakin

Asa ka pa Candy.

Sa bagay si Luke babaero yan tyak dun yan sa magaganda
Si Laisle naman dun sya sa girl na gusto nya at si Kurt syempre si Janeia promdate nyan.

Malamang mahal nya yun eeh.

Errrrr!! Ano na naman ba tong nararamdaman ko!?

"hoy stupid! Ano? Tutulala ka nalang dyan tara na!" sabi ni Laisle. Dinampot ko naman yung bag ko at lumabas na kami ng band room.

"Mga pre may promdate na ba kayo?" tanong ni Luke habang naglalakad kami palabas ng school.

"Di ko pa naaaya eeh baka kasi mag-inarte pa kaya pinaghahandaan ko muna" sabi ni Laisle sabi hawi sa buhok nya.

"Eh ikaw Kurt?" this time ako naman ang nagtanong.

"Ahm? Pinag-iisipan ko pa eeh baka kasi tanggihan nya lang"

"Alam mo pre try mo pa rin puntahan mo sa kanila" sabi ni Luke.

"Eh bahala na" sabi nya.

Naghiwa-hiwalay na kami ng daan.
Ako nalang mag-isang naglalakad ngayon.
Sino kaya magiging promdate ko? Buti pa sila meron na.

Kurt's POV

Papunta ko sa bahay nila Janeia ngayon. Sinusunod ko lang yung payo ni Luke. Umuwi muna ko at nagbihis para maayos naman ako.

Where do I Find The Meaning of Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon