4 | The Guild

8.7K 349 14
                                    

DAHAN-DAHAN akong huminga habang iniingatan ko ang sarili ko na hindi mahulog. Sa tingin ko, mas mahirap ata ito kaysa sa Scarlet Flame Nine-Tailed Fox. Iyon ay dahil ang makakaharap ko ngayon ay mas malakas pa sa soro na natalo ko noon. Tumingin ako sa ibaba at nakita ko si Master Amos na umiinom ng tsa-a habang kumportableng nakaupo sa damuhan. Sa pagkakataong ito, hindi na niya ako binigyan ng kahit na ano mang sandata para magapi ang kalaban.

At ako'y nangangamba sa mangyayari sa akin.

Apat na linggo na ang nakakalipas simula noong naging level 20 na ako. Dahil sa pagiging natural Crimson Red Class ko, naging mabilis ang progress ng pag-level up ko. Kahit ako mismo ay nagulat din. Nang nakuha ko ang mana essence ng Scarlet Flame Nine-Tailed Fox, nadagdagan ako ng anim na level. At sa loob ng apat na linggo ay unti-unting tumaas ang level ko dahil sa training at sa mga medical herbs na pinapakain sa akin ni Master Amos.

Ayon kay Master Amos, isa na ako ngayong Magus Master dahil nasa level 20 na ako. Dahil doon, hindi ko na kailangan pa gumamit ng mga mystic tools para magapi ang kalaban. Nasabi man niya ito ng walang pag-aalinlangan, hindi ko parin maiwasan na mag-alalala. Sa loob ng isang buwan, nag-train ako para maging malakas.

Pero kahit na ganun, nagdududa parin ako sa sarili kong kakayahan.

Ipinagpatuloy ko ang pag-akyat ko sa bangin. Kumapit ako ng mabuti sa bato habang pilit na tinataboy ako ng hangin. Hindi ako pwedeng sumuko, malapit na ako sa tuktok at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako. Hindi ako papayag na isang ibon lang pala ang tatalo sa isang tulad ko. May kailangan pa akong gawin at iyon ay ang makabalik sa mundo ko. Para magawa ko iyon, kailangan kong maging malakas.

Ilang sandali, nagtagumpay din ako at nasa tuktok na ako ng bangin. Isang mainit na hangin ang sumalubong sa akin pero parang wala lang iyon. Ito siguro ang epekto ng flame resistance ng Scarlet Flame Nine-Tailed Fox. Tiningnan ko ang buwan, napakalaki nito at maliwanag. Inihanda ko ang aking sarili dahil hindi na ako pwedeng umatras pa. Ayon sa libro, mahina sa gabi ang ibon na ito kaya ito ang pinaka-angkop na oras para tapusin ito.

Sa aking unang hakbang, naging alerto ito at lumiyab ang mga balahibo nito. Kung hindi lang sana ako isang Magus Master, baka natusta na ako ngayon. Mabilis na sumugod ang ibon pero naiwasan ko agad ito gamit ang swift evade. Kung ikukumpara ko ito sa Scarlet Flame Nine-Tailed Fox, mabagal ito at ito ang gagamitin ko para matalo ito.

Isang Electric Purple Class ang Blazing Azure Phoenix at ayon sa aking research at nasa 8,999 years old na ang Mystic Beast na ito. Gaya ng aking inaasahan sa isang Electric Purple Class. Isa din itong fire-type mystic beast kaso kulay azure ang apoy na inilalabas nito. Ang mas nakakamangha ay kaya nito mag-self regeneration na mas kailangan ko. Para matalo ito, kailangan kong masaksak ang noo nito kung saan nakatago ang mana essence nito.

Hindi man ako sa sigurado sa aking plano, I need to take a risk. Huminga ako ng malalim at mabilis na tumalon sa likod ng Blazing Azure Phoenix. Nag-panic ito sa biglaang pagsakay ko sa likod nito kaya ipinagaspas niya ang kanyang mga pakpak at saka lumipad sa kalangitan. Hindi basta-basta ang lipad nito dahil nagpasirko-sirko ito sa ere at nagpaikot-ikot. Nahihilo ako sa ginagawa ng ibon na ito, humanda talaga ito sa akin!

Nagliyad ang Phoenix, pinalibutan niya ang buong katawan niya ng azure flame. Dahil sa flame resistance, hindi ako naapektuhan. Ito na ang pagkakataon ko, tapos ka na sa akin ibon ka. Lumitaw ang aking crest at lumabas ang halo na mula sa fox. Ginamit ko ang skill nitong flame bind. Napalibutan ng lubid na gawa sa apoy ang buong katawan ng phoenix. Dahil doon, pumaibaba kami. Kinuha ko ang Piercing Cold Dagger at sinaksak ko ang noo ng phoenix.

Kagaya ng nangyari sa soro, naging yelo ang katawan nito. Pero bago pa mangyari iyon ay tumalon na ako at bumagsak sa isang puno. Kung hindi siguro dahil sa swift jump ay baka nagyelo narin ang katawan ko. Sigurado akong lagot ako nito kay Master Amos dahil kinuha ko sa kanya ang Piercing Cold Dagger ng walang paalam. Sa pagbagsak ng phoenix, lumitaw agad ang mana halo nito.

Crimson: Beginning of a Legend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon