29 | Warning

3.2K 163 18
                                    

Maliwanag ang sikat ng araw, binalot nito ang paligid na minsa'y binalot ng kadiliman. Sa aking pagmulat ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang kapatagan na puno ng mga bulaklak. Pinilit kong inalala kung paano ako nakapunta sa lugar na ito. Ako'y nabigo dahil wala akong maalala ni katiting. Nakakapagtaka dahil ang tanging naalala ko lamang ay nanonood ako ng laban ni Loki at Albert sa arena.

Paano nga ba ako nakapunta dito?

Ako'y bumangon at tiningnan ang aking paligid. Sa pag-ihip ng hangin, dala nito ang mabangong amoy ng bulaklak na nasa aking paligid. Ito man ang unang beses na nakapunta ako dito, pakiramdam ko pamilyar sa akin ito. Nakikita ko sa kanluran ang palasyo ng Lyronna, kung ganun ay malapit lang ako sa kapitolyo. Palaisipan man ang paglitaw ko sa lugar na ito, ipinagwalang bahala ko na lang iyon.

Hindi naging matagal ang aking paglalakad ko papunta sa kapitolyo. May napansin agad akong kakaiba dahil maraming kawal na saan mang sulok akong tumingin. Nawala lang ako, naging mahigpit na agad ang seguridad ng Lyronna. Agad akong nagtungo sa tinutuluyan ng mga kalahok ng tournament. Hindi pa man ako nakakalapit ay biglang tumalon si Tora mula sa kung saan at agad ko naman siyang sinalo gamit ang aking mga bisig.

Pero hindi lang si Tora ang sumalubong sa akin. Hindi mabakas ang tuwa at pag-alala sa kanyang mukha. Halata ang pagod sa kanyang mukha pero hindi niya iyon initindi. Nabitawan ko si Tora ng ako'y kanyang niyakap. Mahigpit at mainit ang kanyang yakap kung kaya hindi ko maiwasan na tugunan ito. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Nagtataka man ako sa kanyang inaasal ay hinayaan ko na lang siya.

Maya-maya ay kumalas na siya sa pagkakayakap at tumingin sa may kaliwa.


"Alam mo ba na nag-alala ako sa'yo ng sobra ha?! Nakakainis pa itong pusa kase sunod rin ng sunod. Wala rin pakialam ang mga matatandang hukluban na iyon kung ano man mangyari sa'yo. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip kung napano ka!" inis na inis na sabi ni Loki habang nakabusangot ang kanyang mukha.

"Ano ba ang ibig mong sabihin Loki? May nangyari ba sa laban niyo ni Albert?" takang sabi ko.


Gulat at pagtataka ang pumalit sa kaninang nakabusangot niyang mukha. Para bang hindi siya makapaniwala sa aking mga sinasabi. May sinabi ba akong mali? Ano ba talaga ang nangyari ng ako'y pansamantalang nawala?


"Karmil, ano ba ang ginawa sa'yo ng halimaw na iyon?" malumay na sabi nito.

"Halimaw? Hindi kita maintindihan Loki,"

"Tatlong araw kang nawawala Karmil dahil dinakip ka ng isang halimaw na may katawang tao. Huwag mong sabihin wala kang naalala?" nag-aalalang sabi nito habang may lungkot ang kanyang mga mata.

"Wala Loki, at iyon ang aking ipinagtataka,"


Pinagitnaan kami ng katahimikan, walang may nagsalita ni isa sa amin. Akala ko ilang oras lang ako nawala, hindi ko inaakala na tatlong araw pala. Biglang sumakit ang ulo at muntikan akong matumba. Mabuti na lang at naalalayan agad ako ni Loki. Napapikit ako sa sakit, para bang minamartilyo ang aking ulo. Pakiramdam ko ay lumilindol ang aking paligid dahil sa nararamdaman kong hilo.

Ano ba talaga ang nangyari sa akin sa loob ng tatlong araw ako'y nawala?

Unti-unting nawawala ang sakit ng aking ulo pero hindi parin ako makatayo ng diretso. Mahigpit ang hawak sa akin ni Loki habang alalang-alala ang kanyang mukha. Wala akong maintindihan sa aking sitwasyon. Dapat alamin ko kung ano ba ang nangyari sa aking pagkawala.

Crimson: Beginning of a Legend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon