| 3 RD P E R S O N |
Walang kaalam-alam si Karmil sa nangyayari sa labas ng mundong kinalalagyan niya ngayon. Nagtagumpay si Rue na makausap ang ilang Elders ng Council. Hindi nagpaiwan si Loki, sumama siya kay Rue. Sa kalagitnaan ng pagtatalo ng ilang Elders at ni Rue, isang guard ang biglang inistorbo ang tensyon sa loob ng council hall. Ikinatuwa iyon ni Rue, madadagdagan ang oras ni Loki para mahanap si Karmil sa loob ng dungeon. Alam kase niyang walang balak ang mga Elders na palayain siya.
Hanggang ngayon, walang ideya si Rue kung bakit bigla na lang ikinulong ng mga Elders si Karmil. Hindi matibay na rason ang pagkakaugnay niya sa nakatakas na halimaw. Maliban sa gusto nilang kay Karmil isisi ang kanilang pagkakamali, alam niyang meron pang ibang dahilan. Sa ngayon, hinihiling ni Rue na sana ay naitakas na ni Loki si Karmil. Bahala na kung ano ang magiging kalalabasan nito, ang importante ay mailabas si Karmil sa lugar na ito.
Nakakunot naman ang noo ni Elder Lohan Hampshire sa pagdating ng guard. Naiipit na siya sa dulo sa bawat salitang sinasabi ni Rue. Alam niya sa sarili na wala talaga silang matibay na ibedensiya para ikulong si Karmil Reid. Sabi kase ng isang 'Seer' na isang babaeng kulay pula ang buhok at mga mata ay maaring magdala ng trahedya o pagkaligtas. Kulay pula nga ang buhok nito pero kulay berde naman ang mga mata nito na ikinataka nila. Pero mas mabuting i-confine na muna nila si Karmil.
"Ano ang karapatan mo para itorbohin ang Council?" inis na sabi ni Elder Lohan.
"Patawad Elder Lohan ngunit may malaking problema po tayo. Ang Circle of Nox, nandito po sila!" balisang sabi ng guard.
Lahat ay natahimik ng banggitin ng guard ang isang organisasyong hindi dapat banggitin. Bago pa man ma-absorb ng mga tao ang sinabi ng guard, isang pagsabog ang biglang narinig. Nagsimula sa isang pagsabog hanggang sa naging sunod-sunod ito. Biglang nagpanic si Elder Lohan, mukhang alam na nila ang sadya ng Circle of Nox. Napamura siya sa kanyang isipan, marahil ay nakarating sa circle ang balita na nasa kanila ang 'itinakda'.\
Ang Circle of Nox, isang organisasyong binubuo ng mga Dark Magus na gumagamit ng mga 'Lost Arts'. Simula noong nalaman ng mga ito ang propesiya ng 'Seer', naging aktibo sila ng patago. Tanging mga Elders ng Council ang nakakaalam sa mga pinaggagawa ng mga ito. Ang alam ng mga Elders, may kinalaman ang kanilang ginagawa sa 'propesiya'. Kung kaya ng makita nila si Karmil sa Magus Tournament, agad silang nagkaroon ng interes sa kanya. Maari siya ang nasa 'propesiya' o hindi.
Kahit si Rue ay nagulat sa nalamang balita. Paano nakapasok ang mga taga Circle of Nox? May kahinahinala sa pangyayaring ito pero hindi na muna niya inisip ito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito, nagkagulo ang lahat. Ginamit niya ito para puntahan si Loki, hindi maganda ang kutob niya dito. Dahil sa kaguluhan, hindi napansin ng lahat ang biglang pag-alis ni Rue sa loob ng Council Hall. Kailangan niyang magmadali, hindi biro ang sitwasyon nila ngayon. Maaaring malagay sila sa panganib, lalong-lalo na si Karmil.
Paikot-ikot naman si Loki sa dungeon. Halos isang oras na siyang nanatili pero hanggang ngayon ay hindi parin niya nakikita si Karmil. Nag-aalala siya sa dalaga, sana walang nangyari sa kanya. Sa kanyang paghahanap, isang pagsabog ang nagpayanig sa dungeon. Hindi niya binigyan pansin ang pagsabog at mas binilisan ang paghahanap kay Karmil. Masyadong malaki ang underground dungeon ng Order of Coucil at walang nakakaalam kung buhay pa ang mga preso ng mga ito.
'Karmil, sana ligtas ka!' sabi ni Loki sa kanyang sarili.
Alam niyang hindi maganda ang ibig sabihin ng pagsabog na kanyang narinig. May kaguluhang nangyayari sa itaas at parang ayaw niyang alamin kung ano iyon. Tanging si Karmil lang ang nilalaman ng isip niya ngayon. Kailangan siya nito, hindi niya hahayaang mabigo siya. Alam niya sa sarili na isang kaibigan lang ang tingin sa kanya ng dalaga. Alam niyang hindi masusuklian ang kanyang damdamin para kay Karmil. Pero hindi ibig sabihin niyon ay iiwan niya ito at hindi niya iyon magagawa.
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasySa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...