Hindi ako nagkakamali, suot ng lalaking iyon ang Water Enchantress' Medallion. Pero paano ito napunta sa kanya? Sa pagkakaalam ko ay hawak ito ng royal family ng Apheron. Ayon kase sa libro ng Calamity of Aquarius ay nasa pinagmulan ito ng lahat at iyon ay ang Arqua City ng Apheron. Malay ko kung paano niya ito nakuha, tutal isa naman itong pirata kaya may posibilidad ay ninakaw niya ito.
Napangisi ako, mukhang hindi ko na kailangan pang pumunta sa ilalim ng dagat para makuha ang hinahanap ko. Kaso ay problema, paano ko iyon makukuha sa taong iyon? Tinignan ko ang sitwasyon at medyo mahihirapan ako dahil marami ang mga pirata at may mga sibilyan pa. Kapag bigla ko itong inatake, may posibilidad na may madadamay na iba. Kailangan ko ng plano para makuha ang medalyon.
Ang tanong, paano?
Mukhang wala pa silang ideya na nandito ako sa itaas. Magagamit ko ang ganitong advantage sa kanila. Nagulat ako ng may naramdaman akong prisensya pero sa aking paglingon, si Tora lang pala iyon. Mabuti rin na nandito siya, hindi ko na kailangan pang hanapin siya sa ibaba. Hindi rin ako pwedeng magtagal dito sa ibabaw dahil malalaman din nila ang prisensya ko dito. Hindi ko rin naisip na ang mokong pala na iyon ay isa sa kanila.
Sadyang hindi mo na talaga mapagkakatiwalaan ang mga tao ngayon.
Dahan-dahan akong bumaba at saka naghanap ng puwedeng mapagtaguan. Nahirapan ako dahil may mga piratang umaaligid kaya sa huli sa pantry na lang ako nagtago dahil iyon ang pinakamalapit dito sa ikatlong palapag. Sa tingin ko ay wala namang may nakapansin sa akin pero kahit na ganun, kailangan ko paring maging alerto. Kasalukuyan akong nasa pantry, nag-iisip sa magiging plano ko.
Paano ako makakalapit sa leader nila na hindi ko na kailangang lumaban? Halos offensive magic ang alam ko at konting defense magic. Hindi iyon makakatulong sa sitwasyon ko. Kung yung isang magic ko naman, teka pwede nga iyon! Inilabas ko ang Black Ice Blade mula sa storage ring. Napangiti na lang ako, mukhang alam ko na ata ang gagawin ko.
Bahagya kong binuksan ang pinto, palinga-linga kung may tao ba o wala. Nang wala naman akong nakita, lumabas na ako sa aking pinagtataguan. Walang kasiguraduhan ang aking plano pero wala na akong choice. Sana maging effective dito dahil baka may mangyari na hindi ko inaasahan. Kung umayon man ang lahat sa plano ko, magiging madali ang lahat. Sana lang, magtagumpay ako sa aking gagawin.
May nakita akong pirata na sa tingin ko ay mga underlings lang. Sinadya kong magpakita kagaya sa plano ko.
"Hoy! Huluin niyo ang taong iyon!"
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasySa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...