Maingat si Lin habang tinutungo ang madilim na kalsada, kinakabahan kung may nakamasid ba sa kanya. Malikot ang kanyang mga mata at nahihirapang huminga, mga senyales na siya'y kinakabahan. Nang nasiguro niya na walang sumusunod sa kanya, lumiko siya sa isang eskinita at pumasok sa isang liblib na daan. Sa dulo nito, may matatagpuan kang pintuan. Kumatok siya ng tatlong beses at ilang sandali pa ay pinapasok na siya.
Kinakabahan si Lin, dahil hindi siya nagtagumpay sa kanyang misyon. Hindi niya alam kung bakit gustong ipapatay ng taong iyon si Karmil. Sinadya niyang hindi ipaalam kay Karmil na may Amber Snake na nakabantay sa Flaming Blood Lotus. Hindi nagduda si Karmil sa misyon at malugod itong tinanggap. Akala niya ay iyon na ang magiging katapusan ng dalaga pero gaya ng inaasahan niya, hindi basta-basta si Karmil.
Isang sikretong guild ang pinuntahan ni Lin. Halos lahat ng tao sa loob ay mga mersenaryo at hindi magdadalawang isip na pumatay. At ito ang kinabibilangan ni Lin at isa siyang espiya sa Saber Fang Guild. Dumiretso si Lin sa backdoor ng guild at doon niya naabutan ang kanyang master. Napalunok si Lin dahil hindi maganda ang aura nito. Matalim ang mga tingin nito sa kanya na parang isang leon na handa siyang lapain.
Hindi makatingin ng diretso si Lin at tanging ang sa sahig lang siya nakatingin. Pakiramdam niya parang naghihintay na sa kanya ang kamatayan. Kung mamamatay man siya, matatanggap niya iyon dahil sa pagtraidor niya kay Karmil. Hindi napansin ni Lin na lumapit sa kanya ang kanyang master. Iniangat nito ang kanyang mukha para magkatinginan sila. Ang kulay pilak na mga mata ng master niya ay puno ng galit at sigurado siyang wala siyang takas dito.
"Sinabi ko sa'yo, sa oras na nabigo ka sa misyon mo hindi ka na makakalabas ng buhay sa lugar na ito," malamig na sabi nito kay Lin.
"P-patawarin niyo ako po m-master. Pakiusap, b-bigyan niyo pa ako ng pagkakataon!" pagmamakaawa ni Lin.
Ngumiti lang ang ang lalaki at sa isang iglap ay sinaksak niya si Lin. Hindi lang isang beses kundi lima hanggang sampu. Hindi niya pinansin ang dugong tumatalsik sa kanyang mukha. Katunayan ay parang natutuwa pa ito habang nakikita niyang umiiyak si Lin habang unti-unti niyang kinikitilan ang buhay nito. Dilat ang mga mata ni Lin habang naliligo sa sariling dugo habang nakangisi na parang demonyo ang taong tinuring niyang master.
"Lao! Pakiligpit nga ng basurang ito!"
Isang lalaki ang pumasok at saka hinatak palabas ang walang buhay na si Lin. Gamit ang panyo, nilinis niya ang kanyang mukha at saka hinubad ang panglabas nitong damit na natalsikan ng dugo. Lumabas siya ng kwartong iyon at tumungo sa pribado niyang kwarto. Sa kanyang pagpasok, may kinuha siyang bolang kristal na nasa loob ng isang kahon. May binulong ito at biglang nagliwanag ang kristal.
Isang taong nakasuot ng hood ang lumitaw sa kristal.
"Kamusta na ang ipinapagawa ko sa iyo?" sabi ng misteryosong tao na nasa kristal.
"Hindi nagtagumpay ang aking tauhan. Mukhang sadyang malakas din ang taong ito. Huwag kayong mag-alala dahil ako na mismo ang gagawa ng misyon. Ano ulit ang pangalan ng target?" tanong nito sa taong nasa kristal.
"Ang pangalan nito ay Erza Scarlet. Tapusin mo siya kaagad, maliwanag?"
"Masusunod,"
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasySa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...