Madilim na ang kalangitan ng makauwi kami sa manor ng mga Siegfried. Inasikaso agad ng mga maids at trabahador si Theron. Mabuti na lang may mga stocks ako ng mga healing potions na nasa loob ng storage ring na ibinigay sa akin ni Master Amos kaya nawala agad ang sunog sa paa nito at tuluyang gumaling ang kanyang mga sugat na natamo. Nakita kong timid na ngumiti sa akin si Madame Luella at siya'y lumapit sa akin.
"Mabuti at ayos lang kayo, nag-alala ako ng husto," mayuming sabi ni Madame Luella sa aking isip.
"Ipinapangako ko po, poprotektahan ko ang anak niyo,"
"Alam ko," at saka niya ako niyakap.
Nagulat ako sa pagyakap sa akin ni Madame Luella. Mainit at maganda sa pakiramdam, iyan ang mga emosyong naramdaman ko ng niyakap niya ako. Hindi ko namalayan na napaluha pala ako, kung ganun ganito pala ang yakap ng isang ina. Hindi ko maalala kung kelan ko ba naranasan ito, parang wala nga eh. Napangiti na lang ako ng mapait ng may naalala ako.
"Demonyo ka! Lumayo ka sa akin! Hindi kita anak!"
Hindi nagtagal ang pagyakap sa akin ni Madame Luella. Pinunas ko agad ang luha ko bago siya tuluyang lumayo sa akin. Muli siyang ngumiti at sumenyas na pumasok na kami sa loob ng mansyon. Kumain ako ng hapunan kasama ang pamilya Siegfried at pagkatapos nun ay napagdesisyunan ko na magpahinga na dahil lubha akong napagod sa pakikipaglaban sa Flare Lion King.
Nagbihis agad ako ng pantulog at humiga agad sa malambot na kama. Sa wakas, mukhang makakauwi na ako sa amin at hindi na ako makapaghintay pa. Inilabas ko ang journal at ang Black Ice Blade. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nag-upgrade ito. Imposible iyon dahil isa lang akong caster magus, tanging mga holder magus lang ang may kakayahang i-upgrade ang mga sandata nila.
Unless kung isa rin akong holder type magus.
Nagliwanag ang asul na bato na malapit sa hawakan ng Black Ice Blade. Nagulat ako ng may lumitaw na crest at alam ko ang ibig sabihin nun. Ang mas nakakagulat ay kulay itim pa ito, hindi kagaya ng original crest ko. Isa lang ang ibig sabihin nito, isa akong Crimson Red class sa caster category at isa akong Ebony Black class sa holder category. Nawala agad ang crest ng inisip kong nawala ito. Pero hindi parin nawawala sa aking ang pagkagulat, isa akong dual type magus.
Kakaiba rin ang simbolo para sa aking Black Ice Blade. Para isa itong tao na may mahabang sungay. Tiningnan ko ang Black Ice Blade, hindi na nababalot ng yelo ang talim nito at kitang-kita ko ang itim na talim nito. Nag-imagine ako na magyeyelo ang talim ng Black Ice Blade at nagyelo nga ito. Sa pagkakaalam ko, hindi pangkaraniwan ang dual attribute lalong-lalo na ang ice and fire. Pero mas hindi pangkaraniwan ang dual type magus.
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasySa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...