Sa aking paghakbang papasok sa lagusan, wala naman akong may nararamdamang kakaiba maliban sa malami na hanging sumalubong sa akin. Pakiramdam ko ay parang tumapak ako sa isang panibagong mundo. Parang naulit lang yung unang beses na napunta ako dito sa Alterum. May kakaibang enerhiya akong nararamdaman na para bang pamilyar sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang aking nararamdaman at pinagpatuloy ang pagpasok sa lagusan.
Habang lumalim ang aking pagpasok, mas lalong lumalakas ang enerhiyang nararamdaman ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig ang aking katawan habang tinatahak ko ang lagusan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ng aking katawan na para bang natataranta. Gustuhin ko mang sumuko at pinagpatuloy ko parin, hindi ako pwedeng manatili sa lugar na ito. Habang patuloy ako sa paghakbang, mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam.
Tuluyang sumuko ang aking katawan. Ni daliri ko ay hindi ko maigalaw nang ako'y bumagsak sa malamig na sahig. Unti-unting nanlalabo ang aking paningin pero gising parin ang aking diwa. May naramdaman akong malamig na dapya ng hangin. Mga huni ng ibon ang tanging tunog ng aking naririnig at ang mabangong halimuyak ng bulaklak ang aking naamoy. Hindi ko man masyadong nakikita ang aking paligid pero pakiramdam ko pamilyar ang lugar na ito.
Na para bang nakapunta na ako sa lugar na ito.
Unti-unting luminaw ang aking paningin at natagpuan ko ang sarili ko sa isang lugar na maihahalintulad sa isang paraisa. Isang malawak na damuha na may samu't saring mga bulaklak sa aking paligid. Unti-unti akong bumangon at nilibot ang aking paningin sa aking paligid. Sa di kalayuan, may nakita akong burol. Sa tuktok ng burol ay may malaking puno at kulay pula ang mga bulaklak nito na para bang nagliliyab na apoy.
Dinala ako ng aking mga paa sa burol na parang inaakit ako nito. Hindi ko alam kung bakit pero ang tanging alam ko, dapat akong pumunta doon. Nang ako'y nasa tuktok na ng burol, isang babaeng ang aking naabutan. Kakulay ng mahabang buhok niya ang aking buhok. Ako'y kinakabahan na sa hindi malamang dahilan. Hindi nakaharap ang babae sa akin pero kahit na hindi ko makita ang kanyang mukha, para bang kilala ko siya.
"Mabuti at nakarating ka na sa wakas, Karmil. Matagal na kitang hinihintay," sabi ng babae.
"Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang sabi ko sa babae.
Hindi sinagot ng babae ang aking tanong, sa halip ay tumawa ito ng mahinhin. Unti-unting humarap ang babae at ako'y naiwang nakatulala. Kinurot ko pa nga ang aking pisngi, baka sakaling na mamalik mata lang ako sa aking nakikita. Pero hindi, hindi ito epekto ng halusinasyon o kung ano man. Totoong-totoo ang nakikita ko at pakiramdam ko parang nawindang ang aking mundo.
Kaharap ko lang naman ang isang babaeng kamukhang-kamukha ko.
Sa pagkakaalam ko, wala naman akong kapatid. Nag-iisang anak lang ako ni Louisa Reid sa maliit na bayan ng Hemsforth. Unti-unti akong lumapit sa babae at pinagmasdan ko ng mabuti ang bawat detalye ng mukha niya. Parehong-pareho kami ng kulay ng buhok na pulang-pula. Ang mga anggulo at hugis ng mukha ay parang nagmula kami sa iisang hulmahan. Anong mahika ba itong nasa harapan ko?!
Muli naman siyang tumawa ng marahan habang ako ay naiwang nakanganga sa sitwasyong kinalalagyan ko. Sumenyes siya na maupo kami sa damuhan at ako naman ay sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung bakit mabilis akong sumunod sa kanya. Pakiramdam ko parang may may koneksyon kami sa isa't isa na hindi ko malaman kung ano. Nang pareho na kaming nakaupo sa damuhan, pinagmasdan namin ang kapatagang puno ng samu't saring mga bulaklak.
"Ang ganda ng mga bulaklak diba?" biglang sabi nito.
Hindi ako tumugon sa kanyang mga salita. Sa halip ay tiningnan ko lang ang kapatagan at hinayaang lumutang ang isip ko. Napagtanto ko na mas naging kumplikado na naman ang buhay ko. Mas lalo tuloy akong naging determinado na umalis na dito sa Alterum. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin ako ng lahat kung kaya tinanggap ko ang dare ni Jessica. Sa huli, mas lalo lang nagulo ang lahat at hindi ko alam kung paano ko ito aayusin.
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasySa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...