32 | Into the Deep

3.3K 155 15
                                    

KARMIL

May nakita man akong sekretong lagusan, pakiramdam ko ay naglalakad ako sa isang balon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May nakita man akong sekretong lagusan, pakiramdam ko ay naglalakad ako sa isang balon. Malalim at madilim at hindi mo alam kung kelan mo ba makikita ang dulo. Hindi parin ako nakakagamit ng magic na aking ikinainis. Kinapa ko na lang ang malamig na batong dingding habang sinusugod ko ang kadiliman. Hindi ko man gusto ang sitwasyon ko ngayon ay wala rin naman akong magagawa. Mas mabuti na ito kaysa manatili ako sa selda.

Kaso nga lang pakiramdam ko pumapaibaba ako.

Sa aking paglalakad, maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan. May rason kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Pero ang mas pinag-alala ko ay kung malaman ng mga gwardiya na wala na ako sa selda. Iwinaksi ko na lang iyon sa aking isipan at pinagpatuloy ang paglalakad sa madilim na daan. Muli kong sinubukang gumawa ng apoy at ako'y nagtagumpay. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi at isa lang ang ibig sabihin nito.

Pwede na akong makakagamit ng magic!

 Dahil ngayon pa lang ako nakakagamit ng magic, ngayon ko lang nakita ang buong paligid. Saka ko lang napagtanto na tama ang hinala kong pababa nga ako. May mga runes at ancient scriptures na nakaukit sa batong dingding. Maihahalintulad iyon sa mga Egyptians sa aking pinanggalingan. Hindi ko man maintindihan ang mga nakaukit na runes, parang naintindihan ko ang mga nakaukit na drawings.

Para isa itong kasaysayan simula noong sinaunang panahon, kung paano nadiskubre ng mga tao ng Alterum ang magic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Para isa itong kasaysayan simula noong sinaunang panahon, kung paano nadiskubre ng mga tao ng Alterum ang magic. Hindi ko nga lang masyadong ma-gets yung ibang part pero may nakita akong kakaiba. Tungkol ata ito sa apat na bayani na nagbigay kapayapaan sa buong Alterum. Sa apat na bayaning iyon, may nag-iisang babae. Siya ang naging dahilan ng kapayapaan pero sa huli isinakripisyo niya ang kanyang buhay.

Dahil sa kanyang pagkamatay, inambanduna ng tatlong natitirang bayani ang Alterum at nagtungo sa isang lugar na walang makakakita sa kanila. Nakakalungkot naman pala ng kwentong ito, tragic ang ending. Hinawakan ko ang guhit ng babaeng bayani. Sa aking paghawak, bigla na lang may pumasok na mga imahe sa aking isip. Sobrang sakit ng ulo na para bang bibiyak ito.

Ako'y napaluhod sa sakit habang hawak ko ang aking ulo. Pulang kalangitan, dugo, isang malabong imahe ng lalaki, ang lahat ng iyon ay hindi ko maintindihan kung bakit ko ba nakikita ang mga iyon. Unti-unting nawawala sa sakit at ako'y napaupo sa malamig na sahig. Hindi ko tinangkang gumawa ulit ng apoy. Hanggang ngayon kase medyo masakit ang ulo ko at medyo nahihilo rin. Napapikit na lang ako, naguguluhan kase ako. Noong mga nakaraang araw, may napapaginipan ako at ngayon kahit gising ako ay may nakikita ako.

Crimson: Beginning of a Legend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon