Naging mahaba man ang gabi, sa wakas ay nakadaong na ako at ngayon ay nasa Liros na ako. Kahit na may hinding inaasahang gulo na nangyari, hinuli parin ng awtoridad ang mga pirata. Pero bago pa mangyari iyon, nawala na parang bulo si Giles. Hindi ko alam kung paano siya mabilis na nakatakas. Pero hindi ko na iyon inintindi, ang importante ay nasa akin na ang Water Enchantress' Medallion. Tatlo na lang ang kulang at makakauwi na ako sa sarili kong mundo.
"Ate Karmil!"
Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin, si Alyana lang pala. Ibinaba ko muna si Tora bago ko tanggapin ang yakap ni Alyana. May isang lalaking halos nasa forties na ata ang edad at may kahabaan ang balbas ang sumunod kay Alyan. Sa tingin ko, siya ang uncle na tinutukoy ni Alyana. Kumalas na si Alyana sa pagkakayakap sa akin at saka muli kong binuhat si Tora.
"Ate Karmil, saan ka pupunta ngayon?" inosenteng tanong ni Alyana.
"Hindi ko pa alam, sa tingin ko pupunta na muna ako sa kapitolyo,"
"Sumama ka na lang sa akin Ate Karmil, doon rin naman ang punta namin ni Uncle Bart. Pasasalamat ko narin ito sa pagprotekta mo sa akin,"
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon ko sa alok ni Alyana. Isang malapad na ngiti ang kanyang inisukli sa akin. Hindi naman kumontra ang uncle ni Alyana dahil mukhang pabor narin ito sa kanya. Isang magarang karwahe ang biglang pumarada sa aming harapan. Hindi ako sigurado pero parang pamilyar sa akin ang karwaheng ito. Sabagay, marami kaseng magagarang karwahe sa Xion City kaya baka akala ko lang iyon.
Ang kontinente ng Liros ay nakalutang sa pamamagitan ng mana na nakapalibot sa paligid nito. Pero sa tingin ko, may power source ang kontitente kaya hanggang ngayon nakalutang parin ito sa kalangitan. Parang karagatan yung mga ulap kapag nandito ka sa Liros. Akala ko sa mga games at fantasy movies lang ako makakakita ng ganito. Pwede rin pala mangyari sa totoong buhay ang mga ganito.
Kung iikumpara ko ang Liros sa Helios at Igneros, mas mapayapa at walang masyadong gulo dito. Maluwag ang kalsada at halatang hindi nag-hihirap ang mga tao dito. Pero ang ipinagtataka ko, may mga bandiritas na nakasabit at maraming tao ngayon dito. Baka may fiesta sila? Ang cool naman, hindi nga ako naka-try ng ganun sa sarili kong mundo eh. Ano kaya klaseng festival ang meron ang Liros ngayon?
"Ate Karmil, andito po tayo ngayon sa Lyrona City ang capital ng Liros,"
Pagkasabi ni Alyana nun, nasa entrada na kami ng Lyrona City. Kinusot ko ang mata ko para masigurado kong hindi ako namamalikmata. Pero totoo na ata itong nakikita ko, isang higanteng gate na parang makikita mo kapag pupunta ka na sa langit. Sa tingin ko, nasa twenty feet ang laki ng gate pati narin ang nakapalibot na pader dito. Mahigpit ang siguridad dahil maraming mga guwardya na nasa paligid.
Pansin ko rin na maraming tao ang papasok at yung iba ay nasuot ng mga cloaks na may mga simbolo sa kanilang likuran. Color coding iyon, black, white and blue. Parang katulad sa class ng mga magus ang kulay. Ibig bang sabihin mga magus sila? Hindi ko matiis ang aking kuryusidad at saka ako nilakasan ang aking loob para tanungin ang uncle ni Alyana.
"Ginoo, maari po ba akong magtanong?" tukoy ko sa uncle ni Alyana.
"Ano iyon, Binibining Karmil?"
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasiSa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...