2 | The Alchemist

11.3K 409 23
                                    

"Sino ka at paano ka nakapasok sa tore ko?!"

Dahan-dahan akong humarap sa taong nagsalita. Isang matandang lalaki na may mahabang balbals na umabot sa kanyang tiyan. Nakasuot ito ng asul na roba at asul na sumbrero na patulis ang dulo. Naalala ko sa kanya si Albus Dumbledore na siyang headmaster ng Hogwarts sa book series na Harry Potter ni J.K. Rowling. Pero kabaligtaran siya nito dahil mukhang masungit siya hindi kagaya ni Dumbledore na kalmado.

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Parang hinahagisan niya ako ng mga patalim habang tinititigan niya ako. Alam kong masama ang trespassing pero sa tingin ko maiintindihan naman niya siguro ko kung bakit ako pumasok. Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita.

"Sorry po sa pag-trespass ko sa tore niyo. Pero hinahabol kase ako ng rhinoceros na gawa sa bato kanina. Please, patawarin niyo po ako," mahinahon na sagot ko.

"Kakaiba ang ibang salitang ginamit mo. Lalong-lalo na ang rhinoceros, hindi ko alam kung ano iyon. Pero kung gawa ito sa bata, isa iyong Stone-Armored Reneros. At mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ka hinahabol nito. Ayaw pa naman nila ang kulay pula,"

Alam ko ang tinutukoy nitong kulay pula, iyon ay ang buhok ko. Hindi ako nagtaka kung hindi nito alam kung ano ang rhinoceros dahil hindi ka naman talaga makakakita ng ganun. Pero sa mundong ito, mukhang lahat ay posible. Kahit nga sa mundong ito, mukhang hindi pangkaraniwan ang kulay ng buhok ko. Paano pa kaya kapag ang tunay na kulay na ng mga mata ko ang makita ng iba?

"Ako ay si Amos Streamlohr, isa akong Alchemist. Ikaw hija, ano ang iyong pangalan? Batid kong hindi ka tagadito dahil sa iyong pananalita at damit,"

"Ang pangalan ko ay Karmil Reid, ikinagagalak ko po kayong makilala Ginoong Amos,"

"Ang mabuti pa doon tayo sa taas, makalat kase dito. Marami pa akong dapat itanong sa'yo, lalong-lalo na sa isang taga-Terra na gaya mo,"

Gusto ko man magtanong, pinili ko na lang na manahimik. Sinunod ko na lang si Ginoong Amos papunta sa ikalawang palapag ng tore. Nang makarating na kami sa ikalawang palapag, nagulat ako dahil napakaayos ng mga gamit dito. Kung ikukumpara ko ito sa ibaba, mas malinis dito at hindi magulo. Umupo si Tandang Amos sa isang upuan habang ako naman ay sa may sofa. Pinipigilan kong tumawa habang hinahawakan nito ang balbas nito.

Ayon kay Ginoong Amos, isa siyang Alchemist. Sa pagkakaalam ko, ang Alchemist ay magaling sa mga theories at potions. Sa mga kaklase kong lalaki ko lang nalaman ang mga iyan dahil hindi naman ako mahilig sa RPG. Hindi ko rin inaasahan na mapapadpad ako sa ganitong lugar na maihahalintulad ko sa DOTA. Pero ang pinakamalaking misteryo ngayon ay kung paano ako nakapunta dito.

At iyon ay ang aking top priority.

"Karmil ang iyong pangalan diba? Paano ang isang taga-Terra na kagaya mo napadpad dito sa kontinente ng Estheria? Maliban na lang kung isa kang magus," makahulugang sabi ni Ginoong Amos.

"Sa totoo lang po, wala akong ma-gets sa sinasabi ninyo. Ano ang ibig niyong taga-Alterum? At isang magus? Yung mga gumagamit ng magic?"

"Ang ibig sabihin ng Terra ay "Earth" at tanging mga magus lang ay may kakayahang buksan ang lagusan na namamagitan sa Alterum at Terra. Sigurado din ako na isa ka ring magus, Karmil. Para patunayan ang aking teorya, hawakan mo ang kristal na ito. Dahil kung isa ka ngang magus, gusto kong malaman kung anong class ka at anong klaseng magus ka."

Kinuha ko kay Ginoong Amos ang transparent na kristal mula sa kanyang kamay. Hindi ko alam pero sa isip ko, parang alam ko na ang gagawin ko. May mainit na inerhiya ang dumadaloy sa buong katawan ko at ang inerhiyang iyon ay dahan-dahan na gumapang mula sa aking sistema papunta sa kristal. Umilaw ang kristal at kulay pula ito, hindi lang basta pula kundi crimson red.

Crimson: Beginning of a Legend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon