Maraming nangyari sa nakaraang mga araw pero hindi ako matitinag sa mga bagay na iyon. Puno ng hiyawan at sigawan sa buong arena pero mas malakas parin ang kabog ng aking puso. Ngayon na kase sisimulan ang unang araw ng duel battle sa pagitan sa mga natira mula sa phase one ng tournament. Kinakabahan ako, wala akong ideya sa magiging kalalabasan. Ang duelo ay gaganapin sa isang chamber battle arena at tanging ikaw lang at ang kalaban ang nasa loob.
May mga surveillance crystals ang nakapaligid para makita ng mga tao sa labas ang nangyayari. Random ang makakalaban ko kaya mas lalo pa akong kinakabahan. Paano kung mas mataas na level ang makalaban ko? Wala akong masyadong kumpyansa sa sarili ko pero kailangan kong manalo, para sa aking plano. Sumenyes si Darius na lumapit kami at sa harap namin ay isang bolang kristal na magdidikta sa magiging kalaban namin.
Sana naman ay hindi si Loki ang makakalaban ko.
Sa di kalayuan ay nakita ko si Alyana na karga si Tora at kasama niya si Ginoong Bart. Kumaway ako sa kanilang direksyon, kinawayan din naman ako ni Alyana. Pinagpapawisan na ako ng malamig at hindi tumitigil sa panginginig ang aking mga kamay. Nagulat ako ng may humawak sa isang kamay ko at iyon ay si Loki. Muli ko na naman nasilayan ang kanyang ngiti pero hindi ito pilyo, parang pinapagaan nito ang aking nararamdaman.
"Naniniwala ako sa'yo Karmil kaya huwag ka ng kabahan diyan,"
Gumaan ang aking loob sa sinabi ni Loki at ako'y napangiti. Maya-maya pa ay tumikhim si Darius kaya tinanggal na ni Loki ang pagkakahawak sa aking kamay. Hindi ko makita ang kanyang reaksyon dahil bigla siyang tumalikod sa akin na aking pinagtaka. Pero namumua ang kanyang tenga na aking ipinagtaka. Natuon ang aking atensyon kay Darius na handa na atang paganahin ang bolang kristal.
"Makinig kayo, may apat na transportation stone platforms sa inyong harapan. Bawat isa ay may designated area kung saan ang magiging battle field niyo. Kung naalala niyo noong nag-register kayo sa tournament na ito, ni-ranggo kayo ayon sa inyong lakas. Siguro naman naalala pa ninyo kung ano ang numero niyo diba? Papaganahin ko na to kaya ihanda niyo ang sarili niyo," maliwanag na sabi ni Darius.
Napalagok ako habang sinasalinan ng kaunting mana ni Darius ang bolang kristal. Lumiwanag ito at saka may dalawang numero ang lumabas, 2 at 6. Ako yung number two pero hindi ko alam kung sino ang number six. Isang lalaki ang humakbang palapit kay Darius. Kakaiba ang kanyang itsura dahil kasing kulay ng emerald ang kanyang buhok at kulay dilaw ang kanyang mga mata. Siya ata ang pinakamatangkad sa lahat ng kalahok na nandito.
At hindi ko gusto ang kanyang aura.
Humakbang din ako papalait kay Darius at ako ang makakalaban ng lalaking ito. Nagkatinginan kaming dalawa at nagpakiramdaman. Malakas man ang kanyang aura, hindi ako magpapatalo sa isang tulad niya. Isang misteryosong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Ginantihan ko siya ng isa ring ngiti, isang ngiti na hindi ako magpapatalo sa kanya.
"Ang unang maglalaban ay ang ranked number two, Karmil Reid at ang ranked number six na si Blake Archer. Pumunta na kayo sa teleportation stone platform para makapag-umpisa na kayo. Sana magtagumpay ang isa sa inyo,"
Tumango na lang ako sa sinabi ni Darius. Pumwesto kaming dalawa sa stone platform at isang magic circle ang lumabas sa paanan namin. Binalot kami ng matinding liwanag, pakiramdam ko parang bumaliktad ang sikmura ko at nagkaroon ng instant migraine. Ito ba ang pakiramdam ng teleportation? Ilang sandali pa ay nawala na ang matinding liwanag at ito'y napalitan ng nakakabulag na kadiliman.
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasiSa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...