| K A R M I L |
Halo-halo ang aking nararamdaman, hindi ko lubos maisip na totoo ang lahat ng nangyayari. Parang ayaw tanggapin ng aking sistema ang katotohanan. Nasa harap ko na ang ibensiya, kasama ko si Ignis at ang dati kong sarili na si Fia. Malinaw ang mga alaalang bumalik sa aking isipan. Hindi ko maitatanggi, akin ang mga alaalang iyon. Naalala ko rin ang huling pangyayari bago ako mabuhay ulit. Isang mapait na alaala na gusto kong kalimutan pero pilit na bumabalik. Pero kahit ano mang gawin ko, alam kong babalik at babalik rin iyon sa akin.
Isang pangyayari ang aking biglang naalala. Mapait ang aking ngiti ng sumagi sa aking isip ang alaalang iyon. Parang kailangan lang nangyari iyon. Pero ang totoo, ilang daang taon na ang lumipas. Sariwa parin sa akin ang alaala na iyon. Iyon ay marahil isa iyon sa mga alaalang gustong-gusto kong kalimutan. Pero kahit na anong pilit ko, bumabalik na bumabalik parin sa akin ang lahat. Akala ko hindi ko na maaalala iyon dahil mabubuhay ulit ako sa panibagong katauhan.
Pero doon ako nagkamali.
Nasa gitna ako ng mga katawang walang buhay. Naging kulay pula ang lupa at ganun din ang kalangitan. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking paligid. Walang salita ang makakapagsabi kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Unti-unting bumigay ang aking mga tuhod hanggang sa napaluhod ako. Tiningnan ko ang walang buhay na katawan ng nag-iisang lalaking minahal ko. Ang dati niyang nakangiting mukha ay hindi ko na muling masisilayan pa.
Wala akong pakialam kung namamatsahan ng dugo ang aking damit habang niyayakap ko ang kanyang duguang katawan. At sa oras na iyon, doon na tumulo ang aking mga luha. Pakiramdam ko unti-unting nadudurog ang aking puso. Hindi ako makahinga ng maayos at pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa sakit. Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi, nagbabasakaling binibiro niya ako. Tama, baka nagpatay-patayan lang siya! Hindi totoong patay pa siya, buhay pa siya!
Kahit na anong gawin ko sa kanya, hindi parin niya dinidilat ang kanyang mga mata. Tangang umaasa na sasabihin niya na "Uto-uto ka talaga, Fia". Hindi nangyari ang aking inasahan at mas lalong lumakas ang aking pag-iyak. Sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Sana sa aking paggising sa bangungot na ito, ang nakangiti niyang mukha ang aking makikita. Kahit ilang beses kong ipikit-dilat ang aking mga mata, hindi parin ako gumigising sa bangungot na ito.
Mukhang hindi na ako makakaalis sa bangungot na ito.
Nag-cast ako ng isang teleportation spell. Mabilis akong nakarating sa burol kung saan may nakatayong puno ng Karmil. Kulay pula ang mga bulalak ng Karmil na para bang nag-aapoy. Biglang sumagi sa aking isip ang unang beses na nagkakilala kami sa ilalim ng punong ito. Sa unang beses na nakita ko siya, doon ko nalaman na may kakayahan pala akong magmahal. Na hindi ako isang halimaw kagaya ng aking iniisip. Isa akong nilalang na kayang magmahal.
Habang naghuhukay ako, inalala ko ang mga panahong magkasama pa kami. Ang mga panahong parang kami lang ang tao na nabubuhay sa mundo. Walang pakialam sa nangyayari sa iba, tanging kami lang ang mahalaga. Hindi ko inaakala na dadating ang araw na ako mismo ang maglilibing sa taong una kong minahal. Isa siyang malaking sinungalin, sabi niya hindi niya ako iiwan. Sabi niya hanggang sa huli, sasamahan niya ako kahit na anong mangyari.
Kahit kailan, hindi ako naging handa sa kanyang pag-alis.
BINABASA MO ANG
Crimson: Beginning of a Legend ✔
FantasíaSa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang mundong hindi niya inaakala na nag-e-exist. At isang bagay lang ang nai...